"Doctora Alcantara punta na raw po kayo sa conference magsisimula na raw po ang meeting," sabi sa akin ng aking sekretarya pagkapasok ng aking opisina.
"Sige susunod na ako." Inayos ko muna ang mga gamit ko at sinuot ang aking white coat bago lumabas sa aking opisina. Dumeretso ako sa conference room kung saan gaganapin ang meeting. Pagkapasok ko pa lang ay nabungaran ko kaagad si Doctor Miller na titig na titig sa akin kaya bigla akong napaiwas nang tingin. Naupo naman ako sa pinakadulo para maiwasan siya. Kahit na anong iwas ko sa kan'ya ay sadyang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Nakayuko lang ako at hinihintay ko na lang magsimula ang meeting, ayokong magsalubong ang tingin namin dahil para akong bombang sasabog dahil sa nkakaakit niyang mga titig kailangan kong pigilan ang sarili ko. Maya-maya pa ay dumating na ang Director ng ospital at sinimulan na ang meeting.
"Okay Doctors, alam kong iba't-iba ang mga doctor na naririto. Kaya ko kayo pinatawag dahil meron tayong medical mission na gagawin sa probinsya. And we want you to be there. Pero kung hindi naman kayo p'wede sabihin n'yo kaagad para may ipapalit tayo sa inyo," Paliwang ng Director. "Actually si Doctor Marco sana kasama rin, ang kaso he has a lot of surgeries na naka-schedule ngayong buwan kaya ipinatawag ko na lang 'yong ibang nga GS natin. May mga ibang doctor din kayong makakasama, like Pedia, OB, Psychiatrist etc."
"Excuse me po Doc"
"Yes Doctora Alcantara?"
"Ilang araw po ang ilalagi namin doon?" Nahihiya kong tanong.
"Mga four days na ang pinaka matagal," nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Four days? Diyos ko parang ayoko nang sumama lalo pa at palagi kong makikita si Doctor Miller, sabi ko sa aking isipan.
"Bakit Doctora Alcantara may problema ba?"
"H-ha? Ah, e w-wala naman po," nauutal kong wika at napadako ang tingin ko kay Doctor Miller na ngayo'y nakayuko at pinaglalaruan ang ballpen na hawak n'ya. Ilang oras pa ang tinagal ng meeting at nakahinga na rin ako ng maluwag dahil pakiramdam ko para akong sinasakal sa sobrang kaba.
"Okay that's all for today, the day after tomorrow na ang alis n'yo." Pagkatapos ng meeting ay nagsialisan na rin ang mga Doctor na naririto at nakita kong papalabas na rin si Doctor Miller. Hindi na niya ako tinapunan nang tingin simula pa kanina. Nauna na siyang lumabas at 'di kalauna'y sumunod na rin ako. Mas maigi na rin siguro ito, ang iwasan namin ang isa't-isa at ibaling niya ang pagmamahal niya kay Sha-Sha. Nasasaktan ako pero ito ang makabubuti para sa amin. Pagkalabas ko ng conference room ay nakita ko ang papalayong si Doctor Miller. Bigla na lang pumatak ang aking mga luha ng hindi ko sinasadya. Nasasaktan ko siya alam ko, pero hindi ko gustong saktan si Kristoff dahil nangako ako sa kan'ya na pag-aaralan ko siyang mahalin pero sa iba tumibok ang puso ko. Mabibigat ang aking mga hakbang na nagtungo ako sa aking opisina. Humiga muna ako sa aking sofa dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-browse muna ako saglit sa aking social media. Napatigil ako nang makita ko ang post ni Doctor Miller. Nakangiti siya sa kan'yang picture ngunit pansin ko na pilit lamang ito at pawang malungkot ang kan'yang mga mata. Napabuntong hininga ako at ipinatong sa center table ko ang cellphone.
"I'm sorry Doctor Miller, I'm so sorry. Mas gugustuhin ko pa na tayo ang masaktan kaysa sa mga taong malalapit sa akin," wika ko sa aking sarili. At maya-maya pa ay pinikit ko muna ang aking mga mata.
WALLACE POV:
"Sigurado ka na ba talaga Wallace sa gagawin mong iyan?" Seryosong tanong sa'kin ni Marco at nandito kami ngayon sa coffee shop.
"Yes bro, I need to know the truth. Maybe hindi alam ni mama Celicia na kambal ang anak n'ya"
"What are you going to do if you know the truth?" Saglit akong natigilan sa sinabi ni Marco. Ano nga ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang totoo? Kung kambal nga talaga sila ni Celestine? Wika ko sa aking isip.
"I don't know bro"
"Paano kung isang araw malaman n'ya na kaya mo s'ya minahal dahil kamukha lang s'ya ng asawa mo? How do you explain it to her?" Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas ng salamin ng coffee shop. Paano nga kung gano'n ang isipin n'ya? Paano ko ipapaliwanag iyon sa kan'ya? Nasa opisina na ako pero 'yon pa rin ang nasa isip ko. Paano nga kaya kung kambal talaga sila? Tumayo akong bigla sa aking kinauupuan dahil hindi ko na matiis. Gusto kong makausap si Louise, at lalo na gustong gusto ko siyang makita. Kung natitiis niya ako pwes ako hindi. Kahit inisin ko pa s'ya o kahit na mainis pa s'ya sa'kin ayos lang, sa paraang iyon ay masaya na 'ko na napapansin niya at nakakausap s'ya. Nasa may pintuan na 'ko ng kan'yang opisina ay sumilip muna ako sa salamin nito. Napansin ko naman na bakante ang desk nito. Umalis na ba s'ya o baka naman may pinuntahang pasyente? I was about to leave when I suddenly noticed on the left side as if someone was lying on the sofa. I opened the door slowly and entered. Nakita ko s'yang nakahiga sa sofa at himbing na himbing sa pagtulog. Unti-unti naman akong lumapit sa kinaroroonan niya at tinitigan siya. Napaka-ganda niyang pagmasdan habang siya'y natutulog parang bata. Nakita ko naman ang pag-ilaw ng kan'yang telepono na nakapatong lang sa center table. Nabasa kong si Shania ang tumatawag, sinulyapan kong muli si Louise na himbing na himbing pa rin sa pagtulog napangiti naman ako nang bahagya. Nang tumigil na ang pagtawag ni Shania ay kinuha ko ang cellphone niya at binuksan, wala itong lock kaya nabuksan ko ito kaagad. Nanlaki pa ang mata ko sa gulat at napaawang ang aking mga labi sa nakita. Ang huling post ko sa aking social media ang nabungaran ko sa cellphone ni Louise muli ko s'yang sinulyapan at unti-unting sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Para akong isang teenager na kinikilig kapag nakikita ang aking crush. Ibinalik ko na ang cellphone niya kung saan ko ito kinuha at kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng aking coat. Sinimulan ko naman siyang kuhanan ng picture habang siya'y natutulog. Napangiti naman ako at muli siyang tinitigan. Lalabas na sana ako nang makita ko ang hairbrush ni Louise sa ibabaw ng kan'yang mesa, biglang sumagi sa isip ko ang isasagawa kong DNA test. Saglit akong nag-isip at pagkuwa'y kumaha na rin ako ng sample roon at ililagay ko sa bulsa ng aking coat. Nang matapos na ako ay kaagad akong lumabas ng kan'yang opisina dahil baka maabutan pa n'ya ako roon. Habang naglalakad naman ako patungo sa aking opisina ay walang humpay ang pagtitig ko sa kan'yang larawan napapangiti naman ako habang titig na titig sa kan'yang mukha. Ginawa ko naman itong wallpaper ng aking cellphone at pagkatapos ay muli ko itong nilagay sa bulsa ng aking coat.
"Doctor Wallace ito na po 'yong x-ray ni room 518," abot sa'kin ni Nurse Gina pagkadaan ko ng nurse station.
"Thank you Nurse Gina how is he?"
"Okay na po Doc nakakakain na s'ya ng maayos"
"Okay good to hear that." Tatalikod na sana ako nang magsalitang muli si Nurse Gina.
"Doctor Wallace bagay talaga sa'yo ang name mo," taka ko naman siyang tinitigan.
"Bakit naman? Dahil ba sa guwapo ako?" Biro ko naman sa kan'ya.
"Kasi po umaliwalas ng muli ang mukha mo," napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi ni Nurse Gina. "Siguro Doc in-love ka no?! Napaubo naman akong bigla dahil sa tinuran n'ya. Kahit kailan talaga ay ang lakas ng pakiramdam n'ya.
"Hindi ka nagkakamali Nurse Gina! Sabay naman kaming napalingon sa papalapit na si Jake. Napabuntong hininga naman ako at alam na alam ko na ang kahihinatnan nito. Parang nangyari na ang ganitong eksena, sa isip-isip ko. Inakbayan naman ako ni Jake at nakangiti niyang hinarap si Nurse Gina.
"Sabi ko na nga ba eh! Naku Doc ha napaka-misteryoso mo na!"
"Kita mo naman pati kamote niya kinikilig lalo na kapag nakikita niya si__ aray naman Wal! Bakit mo sinampal 'yong bibig ko?! Singhal n'ya sa'kin.
"Nagiging pasmado na masyado 'yang bibig mo eh! Kailangan ko na yatang lagyan ng anesthesia 'yang bibig mo," tumalikod na 'ko para pumunta sa aking opisina.
"Hoy 9 inches sandali lang! Rinig ko pa ang pagtawa ng loko. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan baka kanina ko pa pinaputok ang nguso niya sa sobrang kadaldalan, sabagay mukhang sa kan'ya ko na yata naipasa ang pagiging malibog.
"Ikaw naman Wal hindi ka na mabiro eh!" Sambit niya ng nasa loob na kami ng aking opisina. Kumuha ako kaagad sa drawer ko ng plastic para ilagay ang nakuha kong hibla ng buhok ni Louise.
"Kanino 'yan Wal?"
"Kay Louise"
"Paano ka nakakuha ng sample n'ya?" Takang tanong ni Jake at nakatayo siya sa harapan ng aking mesa.
"Galing ako sa opisina niya"
"What?! Naku Wal tresspassing 'yang ginagawa mo"
"I know Jake, pero hindi naman talaga ito 'yong purpose ko nagkataon lang na nakita ko 'to syempre nando'n na rin lang naman ako"
"Anong ginagawa mo nga pala sa opisina ni Doctora Alcantara?" Tinitigan ko lang si Jake at napalunok ako ng 'di oras. "Alam mo Wal nagiging stalker ka na ni Doctora eh," naiiling niyang turan.
"Kung gusto mong malaman ang tungkol sa kan'ya just ask her"
"How? Iniiwasan na nga n'ya ko eh"
"E 'di dating gawi, kung ano kayo noon"
"Mas lalo na, kulang na lang isumpa n'ya 'ko sa inis"
"Wal naman matinik ka sa babae noon, pero si Doctora Alcantara hindi mo kaya?" Natatawang saad niya sa'kin.
"She's different okay? Iba naman 'yong mga nilalandi ko noon"
"Malandi ka pa rin naman ngayon, pinakita mo na nga kaagad kay Doctora Alcantara 'yang kamote mo eh"
"Hindi ko pinakita bumakat lang!" Sabay naupo naman ako sa aking swivel chair. "Ikaw na ang bahala dito Jake sa DNA ni Louise at Celestine," inabot ko sa kan'ya ang tatlong supot na may pangalan ni Louise at Celestine.
"Sige ako ang bahala dito. And goodluck sa four days niyo ni Doctora Alcantara," sabay ngisi niya sa akin saka tumalikod na at lumabas ng aking opisina.