CHAPTER 9

1348 Words
"Bakit nakabusangot yata ang mahal ko?" Nakangiting wika sa'kin ni Kristoff at kasalukuyang narito kami sa restaurant at hinihintay namin ang pagkaing inorder namin. "Meron kasi akong kinaiinisang Doctor eh!" Sobrang nakakainis! "Halata nga sa'yo love, baka naman inaasar ka lang niya?" "Hindi lang niya 'ko inaasar binubwisit pa niya 'ko sobrang bastos!" nakahalukipkip naman ako at sa ibang direksyon nakatingin. "Hayaan mo na siya kasi lalo lang masisira ang araw mo sa kan'ya" "Hindi 'yon eh, yayain ba naman akong makipagdate sa kan'ya! Ano ako hilo?" "Talaga?" "Oo, anong akala niya sa'kin easy to get?" natahimik namang bigla si Kristoff. "Bakit natahimik ka Kristoff may nasabi ba 'kong masama?" "Wala naman love, iniisip ko lang kasi na what if bigla kang mahulog sa 'kanya? At siya ang mahalin mo imbes na ako?" hindi ko alam kung bakit bigla niya nasabi ang gano'ng bagay. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapatong sa lamesa at mataman akong tinitigan. "Ikaw ang parating nasa tabi ko Kristoff, hindi man maganda ang naging umpisa natin dahil sa kasunduan hindi mo naman ako pinakitaan ng hindi magandang pakikitungo." "Alam mo naman kung ano ang isasagot ko 'di ba?" Nagumiti ako sa kan'ya at marahang tumango. "Kaya nagdecide akong bigyan ng chance ang sarili kong magmahal. And that is you, I'll try my very best para matutunan kang mahalin." Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Tama sila mamu, I should give him a chance. In fact, it's not hard to love him. He has everything, money and power. Marami ring mga kababaihan ang nagkakandarapa sa kan'ya at marami rin naman ang nagsasabi sa akin na ang swerte ko raw kasi ako ang nagustuhan ni Kristoff. Pero hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko maibigay sa kan'ya ang pagmamahal na inaasam nito. Pero ngayon handa na ako, at naniniwala akong si Kristoff ang lalaking mamahalin ko rin at alam kong mamahalin ako habang buhay. Bago siya umuwi ay hinatid muna ako nito sa bahay pagkatapos namin kumain sa labas. "Hindi ka ba muna papasok?" Wika ko sa kan'ya bago ako bumaba ng sasakyan. "Hindi na love gusto ko kasing makapagpahinga ka ng maaga" "Okay sige ingat ka sa pagdidrive ah?" Bababa na sana ako ng biglang hawakan niya ang aking braso at seryoso akong tinitigan. "Bakit Kristoff may sasabihin ka pa ba? Imbes na sagutin ako ay niyakap naman niya ako ng mahigpit na ikinataka ko. "Thank you Louise" kumalas naman ako sa pagkakayakap at hinarap siya. "Thank you for what?" "For giving me a chance." Alam ko balang araw makukuha ko rin ang puso mo. Ikaw ang babaeng gusto kong iharap sa altar Louise." Napangiti naman ako at hinaplos ang kan'yang pisngi. "I should be the one to say thank you." Napadako naman ang tingin niya sa aking mga labi, napalunok akong bigla at kinabahan. Siya na ba ang magiging first kiss ko? Hindi pa ako ready anong gagawin ko? Itutulak ko ba siya? Mga tanong sa aking isipan. Papalapit na nang papalapit ang mukha niya sa aking mukha, napapikit na lang ako nang mariin at hinintay na lang lumapat ang kan'yang labi sa akin. Ngunit pagmulat ko ay nakangiting Kristoff ang nasilayan ko malapit sa aking mukha. Namula naman akong bigla at baka isipin niya ay gusto kong mahalikan niya. Hinalikan na lang niya ako sa aking noo at pagkuwa'y hinalikan ang aking kamay. "You should get inside it's getting late. "H-ha? Ah, s-sige" nauutal kong sagot sa kan'ya. Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay. "Grabe Marco you wouldn't believe this! Wika ni Jake habang papasok kami sa loob ng aking opisina. Umupo ako sa mahabang sofa at ipinatong ko naman ang aking paa sa center table at sila Marco at Jake naman ay kaharap ko na naupo. "Kamukhang kamukha niya talaga si Celestine! Walang naalis, para nga siyang biglang nabuhay eh." Bigla namang bumaling ang tingin ni Marco sa akin at ako nama'y tinititigan ang litrato ni Celestine sa aking cellphone. Habang tinititigan ko si Louise, si Celestine ang nakikita ko. Paanong nangyaring may kamukha si Celestine gayong wala naman pala itong kakambal. Dahil sa malalim kong pag-iisip hindi ko namalayang kanina pa pala ko kinakausap ng dalawa. "Wal are you with us?" Tanong sa 'kin ni Jake na nakakunot pa ang noo. "I-I'm sorry" "Iniisip mo na naman ba si Dra. Alcantara?" Napabuntong hininga na lang ako. "So, what's your plan gayong alam mo na may kamukha si Celestine." "I want to know about her, everything" "How? Ikaw na nga ang nagsabi na parati ka niyang tinatarayan? Anong gagawin mo kukuha ka ng private investigator para malaman ang tungkol sa kan'ya?" Seryosong sabi naman sa'kin ni Marco. Naikwento ko na rin kasi sa kan'ya na magkaiba sila ng pag-uugali ni Celestine kahit na iisa lang ang mukha nila. "I'm going out with her" "What!? Sabay pa nilang tanong sa akin na gulat na gulat. "Wait wait wait Wal, you mean idedate mo si Dra. Alcantara tama ba?" "Yes Jake" "But Wal she's not Celestine." Magkaiba sila ng katauhan. "Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa kan'ya eh" "Pero may boyfriend na siya Wal." Natahimik naman ako sa sinabi ni Jake. And her boyfriend is Kristoff. At siya rin ang kinwento noong minsan sa'kin ni Kristoff na may girlfriend siya dito na Pediatrician. "Ayon 'yong madalas kong naririnig sa mga nurse dito na ang pinagpapantasyahan nila ay may boyfriend na at si Kristoff Jimenez 'yon Wal." Hind ko alam kung bakit bigla akong nadismaya. Hindi naman siya si Celestine pero bakit apektado ako ng malaman kong may boyfriend ito? Siguro hindi pa talaga ako nakaka move on kay Celestine. Nandito kami ni Jake sa bar ni Roco ngayon, at tulad ng dati wala pa rin si Roco at kasalukuyang nasa Isla Montealegre pa rin. "Pinoproblema mo pa rin ba 'yong kamukha ng asawa mo?" Tumungga muna ako ng alak bago sagutin si Jake. "Pakiramdam ko tuloy siya ang asawa ko" "Wal, matagal ng patay si Celestine, magkamukha man sila pero magkaiba naman ng katauhan." Tama, she is not Celestine and she will never be Celestine. Hindi ko alam kung nakailang bote ako ng beer at medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo pero sige pa rin ang inom ko. Natigil lang ako ng kunin na ni Jake ang huling bote ko ng beer. "Lets go Wal lasing ka na eh, ihahatid na kita sa condo mo." Inalalayan naman ako ni Jake na makapasok ng aking sasakyan at siya na rin mismo ang nagdrive. Nakasandal lang ang ulo ko sa salamin ng bintana ko at nakatingin sa aming dinaraanan. "Jake ihatid mo na lang ako sa bahay nila Celestine." "Are you okay Wal?" Tumango lang ako sa kan'ya ng hindi man lang siya tinitignan. Nang makarating na kami sa bahay nila Celestine ay kaagad naman kaming pinapasok ni mama Celicia. "Ay diyos ko kang bata ka, ano bang nagyayari sa iyo?" Tanong ni mama Celicia habang akay-akay ako paupo sa sofa. "I'm okay ma nakainom lang po ng konti" "Anong konti lasing na lasing ka kaya" pagkuwa'y binalingan naman ni mama Celicia si Jake. "Hijo anong nangyari dito kay Wallace may problema ba siya?" "Mas mabuti pa pong siya na lang ang tanungin niyo" "Sige hijo magpahinga ka na rin, doon ka na lang muna sa kwarto ni Clarence tutal nasa out of town naman siya ngayon." "Sige po tita Celicia." Inalalayan ako ni mama papunta sa kwarto ni Celestine at inihiga. Hinubad niya ang aking sapatos at saglit na naupo sa gilid ng kama. "Alam ko hijo na namimiss mo na ang asawa mo, ganoon din naman kami." Marahang hinawakan ni mama ang kamay ko bago siya lumabas ng kuwarto. Kinuha ko naman ang isang unan at mahigpit na niyakap. Naaamoy ko pa rin ang natural na amoy ni Celestine. Sa puntong iyon tahimik akong umiiyak habang yakap-yakap ang kan'yang unan. "I miss you so much baby." Mahinang wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD