TATAWAGAN na sana ni Micah ang private investigator nang tumawag naman ang Mama niya. "Hello, Micah. Kumusta kayo diyan ni Sir Samuel? Hindi naman ba kayo naapektuhan ng bagyo diyan?" nag-aalala na bungad agad sa kaniya ng ina. "Hi, Ma. We're good here. Kayo diyan? Kumusta kayo ng mga bata?" pangungumusta rin ng dalaga. "Okay na okay kami dito. At okay din sina Xia at Xandra. Panay lang ang tanong kung tumawag ka na raw ba at kung kailan kayo uuwi. Miss na miss ka na raw ng mga anak mo." Napangiti na lang si Micah. Dahil kung magsalita ang kaniyang ina ay para bang tunay ngang anak niya ang mga apo nito at hindi sa Ate Donitah niya. "Tatawagan ko po sila mamaya, Ma. Pasensiya na kung hindi ako nakatawag diyan. Ilang araw na nagloloko ang signal dito." "Iyon nga ang sabi ko sa kani