“MUKHANG masosolo kita nang matagal dito sa farm, ah.” Abot-tainga ang ngisi ni Samuel Junior nang madatnan ito ni Micah na nanonood ng television sa sala ng resthouse. Galing siya sa labas at kinausap niya ang caretaker na nagpaalam na uuwi raw muna dahil manganganak ang asawa. “May parating daw na bagyo mamayang gabi at delikado ngayon dahil posibleng may mga daan na mabilis bahain.” “Bagyo? Kaya pala malamig at malakas ang hangin sa labas. Umaambon-ambon na rin,” kunot ang noo na komento ng dalaga. “Baka hindi alam ni Mang Gusting kaya umuwi siya na hindi man lang naibilin sa akin ang mga alagang hayop.” Tumayo ang binata at nilapitan siya. Kapagkuwan ay umakbay sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, babe. Tutulungan naman kita habang nandito pa tayo.” “No. Kailangan nating umuwi. I’m sur