DOC CARL'S POV HINDI na ako mapakali simula nang umalis si Samantha. Nag-aalala ako na baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa daan. Gusto ko talaga siyang habulin at ihatid kung ayaw niya talagang magpalipas ng gabi dito dahil naiintindihan ko naman iyon. Pero hindi ko naman puwedeng iwanan si Baby Ellie na mahimbing ang tulog at walang bantay. Hindi ko rin naman siya puwedeng dalhin sa labas dahil bukod sa napakalamig ng panahon sa labas, hindi rin naman ako makakapagmaneho kung habang karga ko siya. "Bakit kasi ngayon mo pa talaga sinabi sa kaniya ang lahat, Juan Carlos? Kung kailan walang tao kina Tom at wala kang mapag-iwanan sa anak mo?" nanlulumo na kastigo ko sa aking sarili. Sobra pa rin ang pag-aalala ko nang may mag-doorbell. Akala ko dumating na ang mag-inang kapitbahay