SAMANTHA’S POV NANG dahil sa nangyari kaya wala akong ganang kumain. Ilang subo lang ako tapos nagpaalam na ako kay Samy na babalik na dito sa silid ko. Nagpaalam din ako sa ninong niya kahit pakitang tao lang. Tinawagan ko na lang ang family ko sa California para naman gumanda pa ang morning ko. “Hello, Tatay. Kumusta po kayo diyan? Kumusta po ang pakiramdam n’yo?” “Hello, princess. Okay lang naman kami dito. Ito, um-okay-okay na ang pakiramdam ni Tatay. Kumusta naman kayo diyan ni Samy?” Teary-eyed agad ako nang marinig ko ang boses ni Tatay. Ilang araw pa lang pero sobrang nami-miss ko na siya. Sila ni Nanay Rebecca at iba ko pang mga kapatid. “Okay lang din po kami dito, Tay. Don’t worry.” “Mabuti naman kung gano’n, princess. Hindi naman ba sumasakit ang ulo ni Doc sa inyong