ALAM ni Micah kung bakit sa kabila ng pagkalaglag niya sa kabayo at takot sa posibleng pagsulpot ng ama nina Xia at Xandra ay hindi niya iyon magawang indahin. Kasi alam niyang dahil iyon kay Samuel Junior. Alam ng Diyos ang totoo niyang nararamdaman para sa binata pero pilit niya iyong nilalabanan dahil akala niya noon ay wala iyong kapupuntahan. At dahil ang akala niya ay hindi pa handa ang puso niya. Ngunit babae lamang siya na marunong ma-attract sa lalaking may sense of humor at super thoughtful. Si Samuel Junior din ang lalaking sa unang pagkakataon ay sinamahan siya para damayan sa kaniyang family problem. At dahil din kay Samuel Junior kaya unti-unti na siyang nakakalimot sa nangyari sa kanila ni Andres. Kaya ngayon ay buo na ang kaniyang loob na payagan itong ipakita sa kaniy