SAMANTHA’S POV BAGO sumapit ang araw ng kasal namin ay umuwi muna ako sa amin sa San Diego para makasabay ko ang aking pamilya pagbalik ko sa Nevada. Dahil simpleng kasalan lang naman kaya simpleng damit lang din ang binili ko. Kaya nga nagulat ako nang may iabot na malaking box sa akin si Nanay Rebecca habang nagbibihis ako. Nagtatanong ang mga mata na napatingin ako sa aking ina. “Open it, anak,” nakangiting sagot niya agad bago pa man ako makapagtanong. Nagtataka man tinanggal ko sa pagkakabalot ang malaking box. Wala akong kaide-ideya sa laman nito habang binubuksan ko. Kaya gano’n na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang pagbukas ko ay isang white long sleeve lace wedding dress ang nakita ko. Na sa tela at design pa lang ay mukhang mamahalin na. “N-Nanay?” nagtataka ang mg