KABANATA 1:
MALILIKOT na laser lights at usok ang bumungad sa akin pag pasok sa Valkyrie. Panay ang bati ko sa ilang ka-kilala na nakakasalubong habang naglalakad pa-punta sa table nila Yenny.
“Hey, Isa! Andito ka pala!” bati ng ka-schoolmate ko sa Davis International School. Nakipag-beso pa ko at bumati sa ilang kasama niya doon na kakilala ko rin kaya napatagal ako ng kaunti sa grupo nila Melissa.
“I have to go. Inaantay ako ni Yenny!” sigaw kong bulong sa kanila ng medyo napapatagal na ang pananatili ko doon. Bago umalis ay napasulyap pa ako sa lalaking kasama nila na nakaupo sa dulo at bago lang sa aking paningin.
Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Tinawanan ko lang iyon at tuluyan ng tinalikuran sila.
Sorry, hindi kita type.
Umakyat ako sa second floor at hinanap ang pwesto ng kaibigan. Agad ko din siyang nakita at may kalandiang Briton. Napairap ako sa kawalan. Akala ko pa naman magagalit ito dahil matagal ako pero mukhang hindi naman pala. Busy-ng busy si bakla!
Lumapit ako sa kanila. Kung hindi ko pa hinampas ang hita niya ay hindi ito didilat at mapapansing nasa tabi na nila ako.
“Parang gaga naman Alicia!” Galit na galit si bading dahil naudlot ang kaligayahan niya. Natawa ako at umupo sa tabi niya. Naghiwalay ang dalawa at bumaling sakin si Yenny.
“Baks! Sarap na sarap?” pangaasar ko at nilapag ang clutch sa lamesa. Ilang bote na ng alak ang andoon. Lasing na ata ang dalawang ‘to.
“Oo! Bakit?!” Iritado niyang sagot pagkuwa’y inirapan pa ko. Ngumiti ang Briton sakin at naglahad ng kamay.
“Hi! I’m Axel!” sabi nito sa British accent.
“Oh, hello! I’m Isabella! Nice to meet you…” sabi ko at ilalahad na sana ang kamay ng tinabig iyon ng malditang kaibigan.
“Tama na. Ayan ka naman eh. Ibigay mo na ‘to sakin!” Nakasimangot si Yenny at hinarang pa ang katawan para hindi ko makita ang lalaki niya.
“Hoy! Grabe ka. I’m just being nice, ano! Nagpakilala siya. Wala naman akong balak landiin yan. Iyong iyo na.” Pinandilatan ko ito ng mata.
Kung makabakod naman?
“Ayun nga! Wala ka pang ginagawa nagbabago na isip nila. Imbes ulam ko na naging iyo pa! Palitan ko yang mukha mo eh. Nanggigil talaga ako sayo kung di lang kita kaibigan.” Pulang pula ang nguso nito maging ang pisngi.
Hindi ko siya pinansin. Luminga ako sa paligid. Ang laki ng pwesto namin pero kami lang tatlo ang nandito. Bumaling ako sa kanya.
“Nasaan na yung sinasabi mong ka-date ko? Ano yan? Boka lang?” I rolled my eyes and crossed my legs.
Pagdi-diskitahan ko na lang ‘tong mga inimun. Inangat ko ang bote ng Tequila at nagsalin sa baso. Unang salin lagok agad! Nagsalin pa ko ulit ng panibago.
“Gagi, nandyan nag restroom saglit,” si Yenny na humahagikgik na sa tabi dahil naglalandian na sila ng AFAM niya.
Napa-Oh ako at kuwa’y ikinibit balikat na lang iyon. Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa dance floor. Uubusin ko lang ‘to at magsasayaw ako. Nakakaenganyo makisali sa baba. Ang saya saya ng mood!
“Wait honey…” rinig kong sabi ni Yenny sabay hagikgik. Kinalabit niya ako kaya napabaling ako sa kanya.
“Ayan yung ka-date mo si Jake!” sinundan ko ang nginuso nito. Sabay kaming nagkatinginan ni Yenny at nagbigay ng makahulugang tingin sa isa’t-isa.
Siya si Jake Romero. Schoolmate namin at graduating student. Ahead lang siya sa amin ng dalawang taon. Isa siya sa mga nagustuhan ko sa school. Tipo ko ang tulad niyang rough, ruggedly handsome look. Anong nangyari at nagbago ang ihip ng hangin?
“Sila ni Patricia diba? Ba’t nirereto mo sakin!?” Pasimple kong bulong. Sumulyap siya kay Jake na naharang na ng ilang kakilala kaya hindi pa makapunta sa pwesto namin.
“Hindi na. Break na sila. Siya nga nagsabi ireto ko siya sayo,” sabi ni Yenny at bumalik na sa pakikipaglandian sa kasama.
Napainom ako ng Tequila. Hindi ako yung tipo na kahit gusto ko ang lalaki ay lalandiin ko iyon kahit alam kong may girlfriend na. It’s a no-no for me. But since, wala naman na pala. Siyempre pwede na.
Tumingala ako ng naramdaman ang presensya niya sa harap namin. Naglahad agad ito ng kamay kaya tumayo ako at tinaggap ko rin iyon. Naramdaman ko ang marahang pisil niya na ikina-ngiti ko.
“Hi… I’m Jake!” Nilapit nito ang bibig sa aking tainga para marinig ko ang sinasabi niya. Nilalamon kasi ng electro music ang boses niya.
“Isabella. Isa na lang! Nice to meet you!” bulong ko din sa kanya. Umupo ako at tumabi siya sakin.
“Ang lawak ng space. Duon kayo!” si Yenny na kunwaring iritado pero may ibig sabihin naman ang kanyang tingin sakin. Nakagat ko ang ibabang labi dahil nagpipigil ng ngiti.
“Oh, sorry!” sagot ko at hinatak si Jake sa bandang gitna. Kinindatan ko si Yenny bago tuluyang umupo sa pwesto.
“Kanina ka pa ba? Sorry natagalan. Naharang.” Humalakhak ito at umiling-iling habang nagsalin na ng alak sa baso.
Napanguso ako sa nakita. Ang gwapo talaga niya kahit tumawa. Umiling-iling ako sa sinabi niya.
“Hindi naman,” sagot ko at napalingon muli sa dance floor. Mas lalong nakakaindak na ang tugtog ng DJ at parang gusto ko ng makisali sa dagat ng mga taong nagsasayawan sa baba.
Naabutan kong napasulyap si Jake sa dance floor na tinitignan ko kanina. Sumimsim ako ng tequila.
“You want to dance?” yaya niya.
Ngumisi ako at tumango. Nahihiya ako na baka isipin niyang mas gusto ko pang sumayaw kaysa makausap siya.
“Let’s dance then! We can just talk later anyway.” Ibinaba nito ang hawak na baso at tumayo na. Ganoon rin ang ginawa ko at sumulyap kay Yenny na nakikipagbulungan sa AFAM niya.
“Yenny!” sigaw ko.
Bumaling siya sakin kaya tinuturo ko ang ground floor. Tumango lang siya at naintindihan na nito ang gusto ko sabihin.
“Let’s go!” yaya ko at hinawakan ko na ang kamay niya para hilahin papunta sa dagat ng mga tao.
Hinawakan niya ako sa beywang at iniharang ang katawan para makapunta kami sa unahan. Nagsisikan at mausok kaya hinayaan ko na lang din siya. Malapit na kami sa gitna ng may malakas na pwersa ang bumaklas sa kamay ni Jake na nasa beywang ko. Paglingon ko ay mukha ni Andrew ang nakita ko at ang paglipad ng kamao nito kay Jake!