Ang Alamat ni Prinsipe Malik AiTenshi Part 29: Ang Hibang na si Malik "Gideon! Bakit mo nagawa ito? Ang ibig mong sabihin ay nag panggap ka bilang si Alwin upang sirain lamang ang aming relasyon ni Miguel? At ikaw rin ang may pakana ng mga buhawing ito?" ang galit na tanong ni Malik. "Tama ka, ang lahat ng buhawing ito simula pa noon ay ako ang may likha. At tungkol naman sa relasyon niyo ni Miguel na iyong asawa, hindi ako ang sumira sa inyong pag sasama kundi IKAW MISMO! Natalo ka nang tukso at nag padala ka sa tawag ng laman! IKAW ANG DAPAT SISIHIN KUNG BAKIT NASIRA ANG PAG SASAMA NYO DAHIL MAHINA KAAA!!" ang sagot ni Alwin na naging si Gideon na. "Sino ang gumagapang at kumakatok sa aking silid tuwing gabi? Hindi bat IKAW Malik? Sino ang humihiling na makipag niig sa akin?