Huling sulyap sa salamin ay nagmamadali na akong bumaba. Family Day ngayon sa school ni Jarvis at medyo na-late ako ng gising, dulot narin ng pagpupuyat sa inaaral na isang kaso. Nadatnan ko ang bahagya nang nakasimangot na mukha ng anak ko. Ngumisi ako at nilapitan siya. "Sorry anak, late nagising si Mommy." Kinuha ko ang kanyang kamay at sabay na kaming lumabas ng bahay. Hindi ko inaasahan na naroon at naghihintay sa amin ang sasakyan ni Axel. "Daddy!" agad tumakbo si Jarvis sa kanya. We don't really communicate. Ngunit minsan, o madalas kapag hinahanap siya ni Jarvis ay natatawagan ko siya. Wala kaming napag-usapan tungkol para sa araw na ito. Siguro ay nalaman niya dahil siya naman madalas ang sumundo kay Jarvis sa school. At siguro si Aaron narin... "Let's go, Mommy!" tawag sa a