PMS3-17 MATAPOS ang tagpong iyon ay diretso na silang bumiyahe ng binata pauwi sa bahay nito. Panay ang asaran nilang dalawa sa isa't isa hanggang sa makauwi. "Tired?" tanong pa ng binata sa kanya habang nakayapos pa rin sa kanyang baywang. "Konti lang," sagot niya pero may mga ngiti naman sa kanyang mga labi. "Mauna ka na sa loob. Tawagin ko lang si Mang Gido para ilabas ang mga gamit ni Gladys," paalam pa nito sa kanya kasabay ng paghalik nito sa kanyang noo. Tumango lamang siya sa nobyo. Kinuha niya ang mga bag na dala nito at hinugot ang susi sa bag ng nobyo. Nang mabuksan niya ang pinto ng bahay ay agad din naman siyang pumasok at inilapag ang mga bag sa sofa. Tinungo niya ang kusina habang nilalaro ang susing hawak niya. Binuksan niya ang fridge at kumuha ng Del Monte can juice