Nakaharap kaming dalawa ngayon ni Logan kay papa. Hindi ko mapigilan ang bahagyang matakot sa ama ko dahil hindi na ito ang unang beses na ganito ang ipinakita niyang ugali sa lalaking bisita ko. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid. Ang bigat ng hangin. Kahit na hindi magsalita si papa ay masasabi talaga ng kahit na sino na ayaw niya kay Logan; na gusto niya itong umalis ngayon din. At kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa bumulagta si Logan sa talim ng tingin ni ama ko. “Ano nga ulit ang pangalan mo?” strikto niyang tanong habang sinisipat ng tingin ang lalaki. “‘Pa, hindi ko nga siya man—“ “Tahimik,” matigas niyang sabi. “Hindi ako ang kinakausap ko, Tintin. Kung maaari ay umalis ka muna,” dagdag niya. “Papa…” “‘Nak, tulungan mo muna ako.” Napatingin ako sa may kusina

