Kabanata 65

2032 Words

Kabanata 65 Nakatitig lang ako sa blangkong kisame habang hawak-hawak ang PT. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin kay Uriel lalo na’t hindi ko rin alam kung paano siya magre-react. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi niya matanggap lalo na’t hindi pa niya ako kayang mahalin nang buo dahil hanggang ngayon ay nakagapos pa rin siya sa pangakong binitawan niya sa kababata niya. Paano kung hindi niya talaga ako mahal? Paano kung mas lumabo pa ang tiyansa na maging kami lalo na’t nabuntis ako nang hindi naman namin planado? Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil kaybigat talaga ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Imbes na matuwa ako dahil may nabuo sa sinapupunan ko ay nababalot ako ng takot at pangamba dahil sa magiging reaksyon ng mga tao s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD