Uriel’s Point of View Kuyom-kuyom ko ang magkabilang kamay ko habang naglalakad ako papasok sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nairita. Pabagsak kong itinapon ang sarili ko sa kama sabay buga ng hangin. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nakita ko kanina. I can feel my blood boiling while recalling how Logan held her hand. But I couldn’t find any valid reason for me to feel that way. Tama nga naman siya, I am just paying Kristine to act as my wife. Gumulong ako sa kama at muling bumuga ng hangin. Gusto ko sanang umidlip para kahit papaano ay makapagpahinga ako pero hindi ako mapakali dahil palagi kong naiisip kung ano na ang posibleng ginagawa nina Logan at Kristine after leaving them. “Fúck!” inis kong sambit bago ako bumangon sa kama at lumabas sa kwarto. I need

