Kabanata 74 Isang napakagandang araw ang sumalubong sa akin nang magising ako. Nagising akong may kayakap—ang taong mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako. I couldn’t explain the comforting warmth I am getting from his embrace, and it’s something I always look up before I sleep and after I wake up. It’s been days since Lolo Henry got out from the hospital. Naka-recover na rin siya. And in fact, nakapag-usap na sila ng mga magulang ko tungkol sa magaganap na kasalan. Napag-usapan ng lahat na mangyayari ang kasal namin ni Uriel pagkatapos kong manganak. Iyon din ang gusto ni Uriel dahil ayaw niyang ma-stress ako sa wedding preparations at may mga bagay rin siyang kailangan pang asikasuhin, especially ang transfer of wealth and properties ni Lolo Henry sa pangalan niya. “Good morning,

