Nakaupo lang ako ngayon sa lilim ng isang puno sa garden ng mansyon ni Mr. Muller. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwal sa mga nangyari—kung paano na-cancel ang honeymoon namin. Sabik na sabik pa naman sana ako na makapunta ng ibang bansa, lalo na sa Paris dahil palagi ko itong nakikita sa mga pinapanood kong mga telenovela at pelikula, lalo na ang Eiffel Tower. Napabuga ako ng hangin bago napasandal sa kahoy na upuan bago tumingala sa asul na kalangitan at inalala kung ano ang nangyari. --- “Tulong! Tulong!” halos magsilabasan ang mga ugat sa leeg ko habang humihingi ako ng saklolo. Hawak-hawak ko ang walang malay na si Mr. Muller. Pilit kong dinadama ang pulso niya pero siguro’y dala na rin ng labis-labis na panic kaya hindi ko ‘to magawa nang maayos. Dahil dito ay mas na

