"Hindi pa rin ba pumapayag ang Mint Academy sa gusto natin?"
"Hindi pa at mukha talagang wala silang balak ipagalaw ang Verdant nila."
"Too bad yung Verdant pa naman ng second year ang kukunin natin."
Kami ang tinutukoy nila.
"Right. Dahil sa gusto natin sila makuha kaya ayan tinatago na sila ng Academy at walang nakakaalam kung nasaan sila!"
"Pero hindi ba't isa sa Life Corporation ang nakausap ng isang Verdant? Hindi kaya sila ang nakakuha?!"
"Imposible! Hindi nila pwedeng gawin iyon!"
"Bakit naman hindi nila pwedeng gawin? Kaaway natin sila at gagawin nila ang lahat para lang mapabagsak tayo- ang buong organisasyon!"
"Para namang kaya nila."
Mukhang hindi ata maganda ang mga mood ng mga taong to ngayon ah palibhasa hindi nila nakuha ang gusto nilang makuha. Malamang aakalain nilang nagtatago kami since hindi nila kami nakikita at wala sa plano namin ang magpakita sa kanila.
"Bakit ba gusto ninyong makuha ang Verdant ng Mint Academy? Hindi pa ba sapat ang ilang student nila?" tanong ng isang babae.
Wait.
A spy?
"Dahil kakaiba sila. They are the best among the best and kaya nilang gawin ang kahit na ano! Lalo na ang Verdant ng Second Year!"
"You mean yung nakaimbento ng Miracle Pills?"
"Right at dahil doon ang White and Green organization ay gustong gusto silang kuhain as scientists ng organization. Kapag tayo ang nakakuha sa Verdant nila tayo ang makakakuha ng malaking pabuya! Aalisin nila ang ibang organization at tayo na lang ang matitira!"
Ow kaya pala nagpapatayan sila para sa amin. Para pala makuha kami.
Ramdam ko ang galit ni Min kaya naman siniko ko sya ng patago at napatingin naman sya sakin. Huminga sya ng malalim saka kumalma dahil sa babala ko. Alam nya na naramdaman ko ang nararamdaman nya.
"Okay ganito na lang." Sabi ng isang lalaki na nasa pinaka gitna. Ang CEO ng Black Organization. "Capture the Verdant sa ayaw man o sa gusto ng Mint Academy kukuhanin natin sila at after nun papakinabangan muna natin sila bago ibibigay sa Color Corp. Hindi naman pwedeng hindi tayo makinabang sa mga gagawin natin."
Greedy!
Hindi ko akalaing may ganyang klaseng tao. Mukhang kakailanganin namin mag triple ng ingat ngayon.
"Pero sir paano natin sila madudukot kung hindi natin alam kung nasaan sila? What if nasa loob lang sila ng Academy at hindi lumabas?!"
"Impudent! Gamitin mo ang utak mo! Nanjan pa rin naman ang pamilya nila! Pwede natin silang gamitin lalo na ang pamilya nung Jasmin! Huh!"
Gusto ko man ngumiti pero hindi ko magawa. Ano na ba ang paki ni Min sa pamilya nya bukod sa mama nya at sa kuya nya eh gusto nga rin syang patayin ng sarili nyang pamilya eh.
Edi gamitin nyo as if naman matitriggered ako.
Yan ang nararamdaman kong gustong sabihin ni Min sa mga tao na nandito sa loob ng conference room.
"Sir baka hindi mo pa po alam hindi po maganda ang relasyon ng pamilya ni Jasmin sa kanya kaya mukhang wala tayong mapapala jan."
Ano ba namang lalaking to napakasarap sapakin.
"May punto ka." sabi ng CEO, si Mister Black. "Ang mga nanay at tatay ng Sophomore Verdant asaan?"
"Wala pong nakakaalam sir, walang may alam."
"Ano?!"
"Simula sa nangyari kay Karlo at sa bahay nila na sinunog natin wala nang nakakaalam kung nasaan ang iba pang malalapit na pamilya ng mga Verdant."
"Bullshit! Hindi kaya nalaman nila ang gagawin natin?! May spy ba dito?" Galit na sigaw ni Mister Black.
Hindi namin maiwasan ni Min at noong isang spy pa na kabahan dahil sa sinabi ni Mister Black, goodness anong gagawin namin? Ah right act like nothing.
Hindi ako nagpahalata and even Min, hindi kami naglahalata at parang normal lang naramdaman ko na may isa pang kinakabahan kaya naman ginala ko ang tingin ko at nag-landing ito sa isang lalaki na kinakabahan at pinagpapawisan, hindi pa mapakali.
Bad.
This is bad. Nakatingin ang lahat sa kanya at talagang nagiging restless na sya.
"You!"
"Sir!"
"Bakit ka kinakabahan?"
"Wa-wala po sir!"
Nagkagulo na sila at ang kaninang meeting room naging interrogation room and in the end pinatay nila ang lalaki. Napatingin naman sila sa gawi namin ni Min at di kami nagpakita ng kahit na anong takot.
"Pagpasensyahan nyo na ito. Go and find someone na maglilinis nito." utos sa amin at nag bow kami saka umalis.
Walang nagsalita sa amin ni Min hindi dahil bago sa amin ang nangyari, hindi din dahil sa nagulantang ang katawang lupa namin yun ay dahil alam namin na hindi kami dapat magsalita dahil naririnig nila.
Bawal dingding nito ay may mata at tenga. Alam namin kung saan lang kami pwede at hindi pwede magsalita dahil alam namin kung saan nakalagay ang mga hidden camera and bugs nila.