Hindi ko alam kung rinig ba sa buong mansion ang sigaw namin nang pumasok kami sa mirror way dahil pagpasok na pagpasok namin ay agad kaming nalaglag sa mahabang slide at basang basa na kami hanggang sa bumagsak kami sa tubig.
"Kung marunong lang ako magmura promise kanina pa ako napamura!" Inis na sigaw ni Kass nang makarating kami sa may bandang bato.
"Even me. Hindi ko alam kung gaano tayo katagal nagpadulas pero isa lang masasabi ko feeling ko talaga nagasgasan ang pwet ko."
Tumingin kami kay Jullia sa sinabi nya at hindi namin alam kung matatawa ba kami sa sinabi nya pero in the end natawa pa rin naman kami.
May point naman sya kahit naman din ako feeling ko nagasgasan ang pwet ko.
Napatingin ako sa butas na pinanggalingan namin at saka ako napatingin sa binagsakan namin. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang lugar na to at hindi ko alam kung paano napanatili ng bahay na to ang ganda nito, mukha lang hunted sa labas pero super ganda sa loob. Nagmukhang private pool nga ang lugar na ito.
"I think when they build this house meron na nito at ginawan na lang nila ng paraan para magamit ito." Nag nod ako kay Yana bilang agreement.
"Pano yan guys basang basa na tayo?"
"Min nakalimutan mo na ba na may backpack tayo at waterproof yun?" Taas kilay kong tanong habang natatawa pa pero ang baliw kong kaibigan tinawanan lang ako.
"Naalog ata utak ko at nakalimutan ko!"
"Wag na tayo magpalit maglagay na lang tayo ng towel sa katawan natin. Tatlong pares lang ng damit ang dala natin and hindi natin alam kung kelan pa tayo makakabalik sa academy." Sabi ko sa kanila at nag nod naman sila sa akin. "Pakicheck na lang din ang mga pills na dala natin if okay pa."
Agad naman silang naghalungkat at ganun din naman ang ginawa ko.
"Safe!" -Kass
"Safe din ang akin."-Jullia.
"Me too. Safe." -Min.
"Me three!" -Yana.
Sinara ko ang bag ko nang makita kong safe ang lahat. "Let's go hindi tayo pumunta dito para mag swimming pero sisiguraduhin kong mabibili natin tong lugar na to." Natawa naman sila sa sinabi ko.
***
"Masakit na talaga sa paa pwede bang pahinga muna tayo at kumain? Ngayon ko lang naramdaman ang gutom!" Nag nod naman kami kay Yana at saka ko nilabas ang mini refrigerator capsul ko.
"Hindi ko talaga alam kung paano nagawa ng class E yang refrigerator na yan na pinaliit then isang pindot lang sa power nya lalaki na na parang normal na ref and then may power pa. Solar ba to Kass?" Natawa naman kami sa pagkaignorante ni Min.
Hindi pa kami nakakaattend sa class ng E at para namang interesting ang ginagawa nila at alam kong maeenjoy namin yun. Next sem pa kasi kami magkakaron ng computer class.
Kumain lang kami nang tahimik at nang mabusog na kami agad ko namang pinaliit ang ref at saka kami nagpatuloy maglakad. Di pa man kami nakakalayo ay agad naman akong napatigil.
"Kesh? May problema ba?" Tanong sakin ni Jullia at napatingin naman ako sa paligid.
"Feeling ko may something sa lugar na to. Wag muna kayo gagalaw." Kahit di nila alam ang nararamdaman ko nagtitiwala naman sila dito. Tumingin ako kay Kass "Kass pakitingnan nga."
"Okay captain." Napailing naman ako sa sinabi nya.
Nagkaroon ng hindi malinaw na hologram sa harap nya at napakunot naman ang noo nya. "May nagpipigil sa ability ko pero kaya pa naman basahin."
Nagtry din sila Yana at ganun din ang nangyari sa kanila. Si Yana maliliit lang na vine ang nailabas sa kamay nya at mukha itong maliliit na ahas, si Jullia naman maliliit lang na bato ang kayang ipalutang, si Min maliit lang na ipu-ipo.
Come to think about it. Faint lang din ang nararamdaman ko sa lugar na to pero alam kong may mali talaga.
"May mga hidden triggered bomb sa lugar na to." Feeling ko tumalon ang puso ko sa sinabi ni Kass.
"Gawa ba nila Henry?" Tanong ni Min at nagkibit balikat si Kass.
"Hindi ko alam kung sila may gawa nito since di maayos ang ability ko sa lugar na ito."
Kung kanina natatakot kami sa sobrang creepy ng lugar parang ngayon hindi na ata dahil sa nangyari kanina at nakita namin. Sa labas lang ata to nakakatakot. Sabi nga nila don't judge the book by its cover. Kaya siguro di din ito mapakawalan ng senador.
Maingat kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa dulo nito at napanganga kami.
"Dead end?" Taka na sabi ni Yana.
I gestured them to keep quite and they did. Pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi na ganun kahina ang nararamdaman ko di gaya kanina pero hindi pa rin kagaya noong nasa labas kami ng premises ng lugar na ito na malakas ang pakiramdam ko.
Pumikit ako at nakiramdam. Bukod sa nararamdaman kong pagod at ganun din naman sa kasama ko may kakaiba akong naramdaman bukod sa pagod. Inis, sakit, pag aalala, pag asa. Hindi ko alam pero galing iyon sa kabilang parte ng pader na to.
"Min can you make a way to hear the faint conversation behind this rock?" I asked and she nod and smile. "Mahina lang ha? Yung tama lang na para tayo lang ang makarinig."
"Okay."
'Hinahanap pa rin kaya tayo?'
'Hindi ko alam pre pero based sa sinabi ni Ange oo.'
'Bakit silang dalawa lang ang nasa labas?'
Nakarinig kami ng pag ubo.
'Easyhan mo lang senior Marvin hindi maganda yang sugat mo.'
Napakagat na lang ako ng labi ko dahil sa nararamdaman ko. I can feel his faint pain. Hindi dahil sa hindi ganun ang nararamdaman nya yun ay dahil di ko maramdaman ng maayos ang nararamdaman nya.
Alam ko rin na naluluha na ako.
'Henry okay ka lang ba? Buhay ka pa?'
Napatingin ako agad kay Yana at nakita ko rin na naiiyak sya habang umiiling iling.
'Buhay pa ko para namang gusto mo na ako patayin. Ha Mark. Imbis na ako ang asikasuhin mo yang sarili mo. Muntik na rin naman mamatay noong mga oras na yun'
Napahawak ako sa dibdib ko. Muntik na silang mamatay pero kami nandoon lang sa academy at hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanila?
Feeling ko sobrang bigat ng nararamdaman ko.
'Sana okay lang si Kass. Namimiss ko na sya. Sana bago ako mamatay makita ko man lang sya.'
'Kahit ako Miss ko na rin si KeCy.'
'Kayo lang ba ang nakakamiss sa mga girlfriend nyo? Namimiss ko na rin ang kakulitan ng girlfriend kong si Yana no.'
Parang nagkakarerahan ang luha ko dahil sa mga naririnig ko. Ramdam ko ang nararamdaman nila kahit mahina lang at ramdam ko rin na nanghihina na sila isabay pa ang nararamdaman ko at ng mga kasama ko.
'Hirap talaga magkagirfriend ano?'
'Hindi ka pa kasi nanliligaw kay Ange, Victor kaya di mo alam.'
'Sus kahit di pa nga yan nanliligaw senior wala nang pag asa yan.'
'Ang sakit mo naman magsalita Mark kaibigan ba kita?'
'Nagsasabi lang ako ng katotohanan Victor dahil kaibigan mo ako.'
Natawa naman kami ng mahina.
'Di ba sabi mo Henry pupunta sila dito?'
'Hindi ako sigurado senior dahil sa hindi naman maganda ang lagay ng ability natin dito sa lugar na ito. Sobrang hina.'
Sila rin pala.
'Sana hindi sinabi kuya Jared sa girls itong ginawa natin panigurado masasapak nila tayo.' Dinig naman naming sabi ni Mark.
Tiningnan ko si Min at alam kong nagets naman nya iyon kaya gumawa sya ng hangin para marinig sa kabila ang boses namin.
'Wengya bakit biglang lumamig?!' Biglang bulalas ni Victor.
"Miss nyo na kako kami pero winiwish nyong di sana sinabi ni kuya Jared sa amin? Ano bang trip nyo?" Sabi ko at gumawa naman ng paraan si Jullia para mawala ang nasa pagitan namin.