Hindi naging maganda ang vacation namin at wala na rin naman atang balak ang Maldives na kunin kami as their tourists! Buti na lang talaga hindi ito ang real name namin kung hindi baka mamaya maglumpasay ako sa kahihiyan buti na lang talaga! "Bakit ba kasi sumama sama pa ako sa inyo ayan tuloy na banned din ako sa Maldives!" Inis na sabi ni Bea sa van habang nabyahe kami papunta sa company. "Hoy tinanong ka namin noon bago pa umalis kung sasama ka pa rin ba o hindi pero ano? Sumama ka pa rin!" Inis na sabi ni Min. "At malay ba namin na baka ikaw ang may dahilan ng assassination na yun!" "Don't blame me for that! Hindi ako ang may gawa nun! Bakit ko ba naman isasama ang sarili ko di ba?" "Pwede tahimik?" Inis na sabi ko at natahimik naman si Bea. Mukha atang natameme ang babaeng to, na