Maaga akong nagising since kailangan kong irepresent ang year namin para sa meeting for future na to. Wala si Henry so ang ibig sabihin ako ang papalit. Even Marvin wala din dito of course magkasama kasi sila. Lumapit sa akin ang lalaking third year na number two. Classmate ni Marvin.
"Akesia?"
"Yes senior?"
"Don't call me senior. Anyway alam mo ba kung nasaan si Marvin?"
Isa sya sa mga third year verdant na kasamahan ni Marvin sa research. Umiling naman ako bilang sagot sa kanya di naman kasi nya pwedeng malaman kung nasaan si Marvin. Napabuntong hininga sya saka ngumiti sa akin.
"Thanks. Don't worry okay lang ang lalaking yun mukha lang reckless pero maingat yun lalo na sayo." I smiled.
"Thank you po."
"Sana makita na yun ang dami nang nakapending sa research namin." And then she sigh. "Pakibatukan na lang para sakin ha? Nakakatakot kasi yung lalaking yun."natawa naman ako.
"No problem po."
After naming mag usap ay agad naman akong lumabas ng research facility namin at maraming tao sa labas nito for sure.
"Just what I thought."
Yan na lang ang nasabi ko dahil sa dami ng tao sa labas ng dorm. Bukod sa mga student na ginagawa ang lahat para sa mga bisita namin ay meron din namang iilang nagpapahinga.
Pagdating ko naman sa main building nakita ko kung gaano kadami ang mga pumunta mahigit kumulang dalawang daan ata ang kotse na nandito.
"Excuse me, Miss?" Napatingin ako sa likod ko at saka ngumiti.
"Hello po. How may I help you?" Syempre dahil di ko to kilala kailangan ko rin maging polite.
"Ah. Sorry naliligaw kasi ako hindi ko alam kung saan ang main hall napagdadausan ng meeting. Masyado kasing malaki ang school nyo." Nahihiya nyang sabi at tumawa naman ako ng mahina.
"Okay lang naman po yan meron na rin naman po kaming seven hundred fifty six na naligaw dito sa school." Napanganga naman sya pero mungiti lang ako. "Shall we go? Papunta rin naman po ako sa main hall."
"Are you a verdant?" Gulat nyang tanong ng ilabas ko ang mini capsul ko na nakalagay doon ang lab gown ko. I nod.
"Opo. I'm Akesia Cyrene, rank second. Verdant Ellipse deputy leader."
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata nya and based sa expression nya alam kong nakikilala nya ako sa pangalan kahit na hindi ko sinabi ang apilyedo ko. Hindi ko na rin naman kailangan na buksan ang ability ko para iconfirm dahil sumagot na rin naman sya sa undirected question sa utak ko.
"So you're that girl? Ikaw yung isa sa umimbento ng Miracle pills and other heaven defying medicine?" I tilted my head and then smiled.
"Opo. Let's go?" She nod.
May iilan syang tinatanong sa akin habang naglalakad kami at hindi naman nakakaoffend yun kaya sinasagot ko. Napag alaman ko rin na hindi sya part ng Color Corp at ang company pa nya mismo ang pinaka kalaban ng Color Corp. Kita sa mga mata nya ang inis sa corporation na to at halata naman na may hinanakit sya dito.
"We're here." And binuksan ko ang pinto.
Pinauna ko syang pumasok at agad din naman naramdaman ko sa lahat ang tingin nila para sa babaeng hinatid ko. Bakit ba di ko tinanong pangalan nya? Ay baliw talaga ako.
How should I address her?
Hayaan na nga. Umingay lalo nang pumasok ang babaeng yun at sino mag-aakala na isa palang malakas na implowensya ang babaeng yun pagdating sa ibang company?
Napagdisisyunan ko na pumasok na rin at ang kaninang sobrang ingay na hall ay para bang nawalan ng tao sa sobrang tahimik nang pumasok ako. I bowed and continue to walk papunta sa corner kung saan nakaupo ang mga verdant.
Ngumiti sa akin ang mga senior ko at ganun din naman ako sa kanila. Nagsiingay naman ulit ang mga tao nang hindi ako nakipag-interact sa kanila.
***
"Sorry for the delay." Agad na sabi ni kuya Jared nang pumasok sya sa hall. "Shall we start?"
Kahit na gaano naiinis ang mga tao dito dahil sa pagkalate ni kuya Jared wala naman silang magagawa dahil mas mataas pa rin ang katungkulan ni kiya Jared sa kanila. Although isa silang mga president, CEO, board of director wala silang magagawa dahil si kuya Jared ang humuhubog sa lahat ng nandito sa Mint Academy.
"First the agenda is, selecting student for various companies to have their on-the-job training." Agad naman na kumunot ang noo ni kuya Jared "Let's make it the last one."
Marami ang umangal pero hindi pa rin natinag si kuya Jared kaya naman wala din naman silang nagawa.
"Kung ayaw nyo pwede na kayong umalis dito ngayon din" sa sobrang seryoso ba naman ng mukha mo kuya sinong di mapapaatras sa pagrereklamo? "Hindi ko basta basta nilalabas ang mga student ng Mint Academy dahil marami ang pwedeng mangyari sa labas at ayaw kong may mangyari sa kanila kaya kung ayaw nyo eh wag na lang natin ituloy to."
Walang nagsalita at ay nanahimik. Agad naman na nag nod si kuya Jared sakin at tumayo ako. Ramdam ko ang kakaiba nilang pakiramdam para sa akin. May iilan na nagpapasalamat sa akin, may iilan na gusto akong umalis sa school na to at pumunta sa company nila, may iilan na para sa pansarili nilang kapakanan kaya nila ako gusto pero may iisang kakaiba sa lahat. Isang tao na gustong kunin ako para patayin ako.
Well di na ako nagtataka pa dahil taga Black Organization siya. Sya ang leader ng black organization ang ugat ng lahat.
"Good morning everyone. I am here in front of you to discuss how many students excell in their respective classes." Ramdam ko ang tingin nya pero papaapekto ba ako? Syempre hindi! "For seventy thousand eight hundred forty seven students in this school all of them are excell with everything. First the first year."
Diniscuss ko kung ilan ang first year which is only three hundred eighty. Dito sa batch na to may class E na kung saan computer literate ang mga alam, ang class E ay umeembento ng kung ano anong gadgets na pwedeng gamitin para sa ikauunlad ng bansa. Ganun din naman sa class D na sobra na ata sa pagkanerd. Dinisscuss ko hanggang sa makarating sa fourth year.
"This is the graduating students." At inilagay ko sa PowerPoint ko lahat lahat ng gradutes sa isang slide ten pictures of different persons. "The red folder had their skills."
Ang katulong ko na verdant ang nagbigay ng folder at after ng nakatoka na gagawin ko ay agad din naman na sumunod ang iba pang verdant. May iilan na nagtatanong may iilan din naman na walang paki, yung tipong gusto agad makakuha ng mga students dito.
Hanggang sa bumalik na si kuya Jared sa stage.
"Remember. Kung sino man ang pipiliin nyo maging ojt ng company nyo ay under surveillance."
"BAKIT NAMAN?"
"WALA NAMAN KAMING GAGAWIN AHA!"
"HINDI PWEDE YAN!"
Dumami nang dumami ang umangal hanggang sa wala nang nagsalita dahil di rin naman nagsasalita si kuya Jared.
"Ano tapos na kayo? Under surveillance lahat ng students dito lalo na kapag lumalabas sila sa school. Hindi sa kinukuha namin ang privacy nila dahil iyon ang sapat. Para namang bago ito sa inyo. Tandaan nyo pumirma kayo ng kontrata!" Walang nagsalita. "Okay pwede na kayo mamili. "
Pinakiramdaman ko ang lalaking namumuno sa Black Organization pero syempre no need na na titigan dahil kaya ko naman syang pakiramdaman. Ramdam ko na naiinis sya at ramdam ko rin na may binabalak syang masama sa mga makukuha nya, kailangan din naman pala namin maging alerto.
Naramdaman ko ang pagngisi nya at alam ko na nakasulat ang pangalan ko sa papel na gusto nya.
Too bad bawal ang verdant.
To be continued....