“Aaah~ nakaktouch naman namiss nyo kami.” Natatawa kong sabi habang nakasandal sa may pinto.
Napalingon naman silang lahat sa kinaroroonan naming at halos matawa kami ng makita naming ang mga mukha nila. Mga naiiyak ang mga baliw naming kadorm mate.
“Oh wait lang natatae talaga ako.” Natawa naman kami kay Min.
Galing talaga manira ng atmosphere ni Min. Napailing na lang kami na nakitable sa kanila since kumakain na rin sila ng dinner.
“Kailan pa kayo nandyan?” tanong ni Aira at nag kibitbalikat naman kami.
“Simula noong narinig naming ang sinabi ni Dang?” di siguradong sagot ni Yana.
“Bakit naman kasi di kayo nagsabi na bibisita pala kayo? Edi sana mas marami ang naluto naming.” Nakangiti namang sabi sa amin ni Joshua.
“No need hindi din naman kami magtatagal dito alam nyo na feeling busy ang mga bruha. Hahahaha.”
“Wow Kass nagsalita, di ka rin ba bruha?” natatawa kong sabi at napatigil naman sya sa pagtawa.
“Hindi.”
“Witch kasi yan.” Dagdag naman ni Jullia.
“Okay guys anong meron? Hindi pala ako natatae nauutot lang pala ako.” Napatigil kaming lahat sa pagkain at napatingin kay Min na tumatawa pa.
“Ew ka talaga Min no?” inis na sabi ni Jullia pero natawa na lang din kamin.
Kumain kami habang nagkukwentuhan. Tinanong nga nila kung nasaan ang iba sabi naming may ibang pinagawa si kuya Jared sa kanila at aba ang mga ito nakuha pa kaming asarin sa mga love life naming pero may hindi pa ba maasar na single? Hahaha.
“Ano ba bakit usapang love life to? Maawa naman kayo sakin oh!” natawa naman kami kay Min at hinawakan si Jullia.
“Min naghugas ka ba ng kamay mo bago mo ako hawakan?” taas kilay na tanong ni Jullia umiling naman si Min saka sinabing.
“Hindi pa eh.”
“KADIRI!”
Nagsitawanan naman kami. Alam naman naming na nagbibiro lang si Min na hindi pa nakakapaghugas dahil duh~ kakain ba yan kung hindi pa nakakapaghugas? Ew lang di ba? Napatingin ako sa relo ko at napabuntong hininga.
“We need to go guys~” sabi ko at nalungkot naman sila “Dont worry next time papasok kami sa class. Ah also balita ko maglalagay na rin daw sila ng PE sa subject.”
“PE. Baka sa PE ka lang umattend eh!” natawa naman ako sa sinabi ni Aira.
“Baka nga.”
***
Gabi na nang makaalis kami sa dorm at papunta na sa abandonadong building kung saan nasa ilalim ang laboratory namin. But then napatigil kami ng makita naming ang isang grupo na papunta sa forest, forest na nagpapagitan sa Mint Academy at sa Twelve Academy.
Nagtinginan kami at saka kami nag nod.
Dahil sa nagtrain na kami kasama ang phantom alam na naming kung paano gagamitin ang mga ability namin. Dahil sa wala si Henry ako ang gagawa ng paraan para malaman ang mga mangyayari, syempre hindi naman ako marunong mag alam ng future kaya naman ang nararamdaman nila ang gagamitin ko.
Binalutan kami ng halaman ni Yana at naging transparent ang katawan naming. Tumalon kami sa may sanga ng puno saka naming sila sinundan.
“Nakakainis talaga!” dinig kong sabi ni Misis Reyes sa mga kasama nya.
“Bakit na naman?” naningkit naman ang mga mata ko. Sya yung guard ah?!
“Alam mo ba MC? Alam mo ba? Tinanggihan nila ako!”
“Lahat?”
Oh goodness professor Marie kasama ka?
Lima silang lahat. Si Professor Reyes and Marie, yung guard si Mr. MC or Marn Cedrick, isang janitor pati na rin ang isang hardinero.
Dahil sa natatabunan kami ng vine ni Yana hindi nila nakikita ang ilaw sa hologram ni Kass na nasa loob. Sinulat ko kung sino ang nakita ko at pinicture’ran ko na rin. Syempre high tech itong hologram ni Kass kaya naka night vision mode and take note kitang kita pa ang mukha nila.
“Feeling ko may ibang tao dito.” Napatigil naman ako at pinakiramdaman ang nararamdaman ng hardinero kaya nag send ako ng message sa kanila, napapalibutan kasi naming sila pero ang spot ko ang pinaka malapit.
Kesha: Naghihinala yung hardinero. Pero ramdam ko na hindi nya lama kung nasaan tao at hindi rin sya sigurado.
Jullia: Magpapalutang na ba ako ng dahon? Oh magpapawagayway lang ng mga tuktok ng puno?
Min: Mamaya na lang yan Lia. Pwede din naman na ako gumawa nyan hahaha.
Jullia: Okay.
Kass: Look Closely.
Napatingin naman kami sa mga minamanmanan naming at nakita namin na may sphere silang dala at nakita ko ang nakakatakot na mukha nila.
“Asa ka naman na may ibang tao dito dahil wala namang ibang magtatangkang pumasok dito maliban sa atin.” –Mc
“Kung sabagay napaparanoid lang ata ako.”
“Anong sabi ng anak ni president Hector?”
Hector? Parang familiar? Saan ko ba sya narinig?
“Hindi ko alam busy sila sa pagplano sa pagpapabagsak sa tinatawag nilang Twelve Academy, hindi ko alam kung anong trip nila doon.” –Misis Reyes
“Pero anong gagawin mo? Kailangan ng Color Corp ang bagong scientist.”
“Hindi ko alam MC basta ang mahalaga wala pang nakakaalam sa atin ngayon.”
Napangisi naman ako sa sinabi nila. Akala nyo lang yun. Dahil bukas na bukas rin ay mapapaalis na kayo sa paaralang ito.
“Halika na bago pa may makakita sa atin.” –Marie
Nang makaalis sila ay hindi pa rin namin tinggal ang vine na nagtatago sa amin at buti na lang talaga dahil kung hindi nakita kami ni Misis Reyes dahil bumalik sya. Tiningnan namin kung bakit at nakita naman naming binaon nya ang sphere na hawak nila kanina at saka sya tumingin sa paligid at ngumiti saka umalis.
Ramdam na ramdam ko na may masama syang binabalak. Ramdam ko na may gusto syang patayin, na gusto nyang isahan ang mga kasamahan nya, na once na tapos na ang trabaho nila papatayin nya si Professor Marie na best friend nya. Oh my goodness napakaitim ng budhi ng babaeng ito.
Nang makaalis na si Misis Reyes ay agad namang tinanggal ni Yana ang vine na nakapulupot sa aming lahat at ramdam ko rin naman na wala nang balak pang bumalik ngayon gabi sila kaya napanatag na rin naman kami.
“Ano kaya yun?” tanong ni Yana at napatingin kami sa pinagbaunan ng sphere.
“Min gumawa ka nang malakas na hangin isama mo na ang building sa malalakas na hangin pero siguraduhin mo na hindi masisira ang mga salamin. Ito lang ang paraan para hindi sila makabalik pa rito and also Kass maglagay ka ng mga camera malapit sa paligid natin at least alam natin kung may papasok sa gubat.”
“Okay.” Sabay nilang sabi sa akin.
“Jullia palutangin mo ang sphere at ilagay mo dito.” Saka ko inilabas ang isang maliit na bag “Kailangan na rin nating umalis dito dahil isa ito sa part na to ang pinaka bawal pasukin.” Sabi ko pa at nag nod naman sila.
Si Min umakyat sa puno at nagsimula na ang malakas na hangin pero sa part naming wala, si Kass naman nagkaroon ng hologram sa paligid nya at si Jullia nag simula na sa pag angat ng mga lupa at after nun ay nailabas nya na rin ang sphere. Inayos ko ang bag saka nag nod sa kanila at nagsimula na kaming maglakad. Hindi naman kami nahirapan dahil sa kontrolado naman ni Min ang hangin.