Divina's POV Ang lakas ng kaba sa dibdib ko nang buksan ko ang pintuan. Medyo nahihilo pa ako at mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa kaba at siguro dahil na rin sa hang-over ko. Pagbukas pa lang ng pintuan ay tumambad na kaagad sa akin ang mga petals na nagkalat sa sahig. Napaawang ang labi ko, habang tinatawid ang shape ng daan gawa ng mga petals patungo sa dining area. Naiiyak ako dahil sa eksena na ito. Paano ko nagawang magkaroon ng katabi sa iisang kama at nakipagtalik sa ibang lalaki? Napapikit ako at pilit na inaalala ang nangyari. Pero wala akong matandaan. Sumasakit lang ang ulo ko at naninikip ang dibdib ko. Nang makarating sa pintuan ng dining area. Nakita ko ang asawa kong nakangiti sa akin habang hawak nito ang boquet. "Happy 4th wedding anniversary!" kaagad na bu