Divina's POV Bigla ko na naman naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Matagal ko na itong nararamdaman pero para sa akin normal na lang ito. Hindi rin ako nakakapag-pa-check up. Napahawak ako sa aking dibdib na naninikip. Pilit na inaayos ang aking galaw. Nasa restaurant pa rin kasi ako kasama ang boss ko. "Ayos ka lang ba?" kita ko ang pag-aalala sa kaniyang nga mata. Tumango ako pero ang totoo nanininikip pa rin ang dibdib ko. Hindi ko inaasahang hahawakan niya ang kamay ko. "I feel like you're not okay," tinawag niya ang waiter. Lumapit naman kaagad ang waiter sa amin. Inilabas ni Mr. Shunn ang kaniyang wallet kasabay ang pagtanong nito sa waiter ng aming bill. Nag-iwan na lang ng pera sa table si Shunn at niyaya na akong lumabas. "Are you sure you okay?" nang makalabas

