Third Person's POV Pinunasan ni Ina ang luhang nagkalat sa kaniyang pisngi nang marinig niya na bumukas ang pintuan. Naalala niyang dahil sa kakaisip niya kay Gariet, sa kakaisip niya kung kailan ito uuwi ay bigla na lang nanikip ang kaniyang dibdib at doon nagdilim ng tuluyan ang kaniyang paningin. Nagising siyang nandito na sa hospital. Hindi niya inaasahang si Gariet ang masisilayan niya. Pumasok si Gariet ng tuluyan. Naglakad palapit sa kaniya. "Ina," malambing na tawag nito sa kaniya. Napapikit siya sandali bago ito hinarap. "Ina, I'm sorry, I'm really sorry, kung alam ko lang," panimula nito. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Gariet. Naging blanko ang isip niya. Siguradong sa mga oras na ito ay alam na ni Gariet ang kalagayan niya. Kaya ito nandito ay dahil naaawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books