"UUWI na rito ang kuya  Luther mo sa makalawa. He's with his fiancée so, kailangan nating  paghandaan." magandang balita ng ina ni Rebecca nang nasa kalagitnaan  sila ng pananghalian. 
Nagulat at natuwa siya sa narinig. "Really, ma? Dadalhin ni kuya Luth ang fiancée niya dito sa atin sa Mindanao?"
Her mama nodded. "Yeah, he will introduce her to us."
Natuwa siya at wala halos masabi. "Wow!"
Parang kamakailan lang  ay kasing landi pa ng mga pinsan nilang sina Brandon, Hayden, at Oscar  ang kuya Luther niya pero ngayon ay magpapakasal na ito. Wala siyang  masabi, the woman's so lucky! Aba'y napatino ba naman ang isang Luther  De Vera! She couldn't believe it but she's really happy for her brother.
"Kailangan nating  paghandaan ang pagdating nila lalo pa't galing din sa isang kilala at  maimpluwensyang pamilya sa Maynila yung babae." anang kanyang ama.
Rebecca and her mom nodded. Great. Galing din sa maimpluwensyang pamilya ang pakakasalan ng kuya niya pareho nila.
"You should get ready, Rebecca." baling pa ng daddy niya sa kanya.
Masigla siyang tumango. Whoever the woman her brother's marrying, she will always support Luther. "Opo."
"Alam mo, hon. Ba't  hindi nalang natin paghandaan ng double wedding ang mga bata instead of  separate weddings?" anang mommy naman niya sa kanyang ama.
Her father nodded. "Naiisip ko rin 'yan, hon."
"Good idea, isn't it?"
The man in his late 50's nodded at his dearest wife. "It is."
"Double wedding para sa kasal nina kuya Luther at nila nino po?" pakikiusiso bigla niya.
Umiling ang kanyang ama.  "No. Your kuya Luth's wedding and your own wedding. Naiisip naming  ipagsabay nalang sa isang seremonya ang mga kasal ninyo."
Natigilan siya sa pagkain at halos mabilaukan. "What! Kasal nina kuya at kasal ko?"
Baka naman nabibingi lang siya ng pandinig o baka naman namali lang siya?
Kumunot ang noo ng kanyang ama. "Your brother's and your own wedding, Rebecca Leandra."
Tuluyang napalis ang  maganda at masigla niyang ngiti nang kumpirmahin nito na siya nga ang  tinutukoy nitong magpapakasal kasabay ng kasal ng kuya niya. Pero teka  naman, kanino siya magpapakasal? Eh 'ni hindi pa niya nahahanap ang  lalaking forever niya!
Nagtatakang binalingan niya ang kanyang ina. "Ma, anong sinasabi ni papa? I'm not yet getting married!"
"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya, Fernando?" her mom asked her father.
Nakita niya ang pagbuntong ng kanyang ama bago nagsalita. "Montgomery Publications wants to merge with our D'amour Empire-"
She cut him off nang  napagtanto niya kung ano ang tinutukoy nito at kung saan papunta ang  usapang ito. May kompanyang nagngangalang Montgomery Publications na  gustong makipag-merge sa kompanya nilang D'amour Empire at bilang  kondisyon sa merging ay ipapakasal ang tagapagmana ng kompanyang iyon sa  tagapagmana ng kompanya nila which is no other than her! "The condition  to merge the two companies, there should be blood came from both  companies that need to tie knot. Tama ba?"
Tumango ito samantalang siya ay hindi makapaniwala at napuno ng pagkadisgusto ang timpla ng mukha.
Ang mama niya'y nagsalita din. "Rebecca, it's a tradition in our family-"
"No, mom! If it's a  tradition in our family, ba't si Caitlyn malaya namang makakapagpakasal  sa lalaking gusto niya nang hindi siya pinipilit nina tita Roberta at  tito Alfonso na magpakasal sa anak ng may-ari ng mga kasosyo nila sa  negosyo? Kaya bakit ako? Ba't kailangan kong magpakasal sa taong 'ni  hindi ko man lang kilala!"
"Rebecca, hindi mo  naiintindihan. Labas sa usaping ito ang mga pinsan mo dahil ang sarili  nating kompanya ang pinag-uusapan dito." anang ama niya. "Hindi naman  pwede ang kuya Luther because he's getting married. Besides, lalaki ang  tagapagmana ng kompanyang balak naming pagsaniban ng pwersa. Lalaki ang  panganay at tagapagmana nila that's why they want a woman for their heir  and you are our heiress. Ikaw ang tagapagmana namin dahil sa una  palang, wala namang plano ang kuya Luther mo sa paghawak sa kompanyang  ilang taon din naming ginugulan ng dugo't-pawis ng mama mo."
Napahilot siya sa  kanyang sentido. Kung alam lang sana niyang ganito pala ang kahihinatnan  ng pagiging tagapagmana, sana noon palang ay nag-ibang landas na rin  siya tulad ng kuya Luther niya. Luther took Civil Engineering in  college, malayo sa kurso niyang Mass Communication for Business kaya  siya tuloy ang ginawang pagpasahan ng mga magulang nila ng kompanya.  Kung alam lang niya, edi hindi na rin sana siya kumuha ng ganoong course  noon!
"No, I'm not getting  married, dad. I'm not marrying the heir of the company you're about to  merge with. Ayoko po." matigas niyang sinabi. Over my dead body, no way!
"Stop being such a brat,  Rebecca! You're getting married whether you like it or not!" tumaas na  ang boses ng kanyang ama at nagsasalubong na ang kilay sa galit.
"Fernando, calm down." marahang dinaluhan naman kaagad ng mama niya ito saka hinawakan ang isang kamay nito.
"Yang anak mo, pagsabihan mo 'yan, Isabella!"
Bumaling sa kanya ang  maamong mukha ng kanyang ina. "Rebecca, enough. Listen to your dad. We  just want the best for you that's why we're doing this."
The best? The best for me or for the company's sake? Bwiset!
Padabog na ibinagsak  niya ang mga kubyertos sa mesa at tumayo. "I'm sorry, ma, but no way,  pa! I will not marry a man I don't love especially a man I don't even  know!"
Iyon lang at  dire-diretso siyang lumabas ng bahay saka sumakay ng kanyang kotse.  She's heading her way somewhere, hindi pa niya alam kung saan basta  malayo muna rito sa Sta. Cruz. She needs to at least chill!
"Rebecca Leandra!"
Napairap nalang siya sa  kawalan nang makita pa sa rearview mirror ang pagtawag at pagsunod sa  kanya ng papa niya hanggang sa porch nila bago tuluyang pinaandar ang  kanyang kotse at pinaharurot ito palayo ng kanilang bahay. She needs to  get away from here or else she will really freak out!
Kung saan-saan  nakarating si Rebecca. Hindi niya alam kung saan talaga siya pupunta  basta ang alam lang niya ay kailangan muna niyang lumayo sa bahay nila  at magpalamig ng ulo. Nakarating siya sa Gensan, nag-shopping sa mga  malls doon at kumain. Nang dumilim nama'y wala pa rin siyang balak na  umuwi dahil paniguradong pagbalik niya ay magtatalo na naman sila ng  kanyang ama at ipipilit na naman siya sa gusto nito. Instead of going  home ay dumiretso siya sa isang bar at nilunod ang sarili sa alak!
"Another glass of Tequila, please!"
Kanina pa siya umiinom  ng diretso at pulido. Gusto talaga niyang magpakalunod sa paglalasing  ngayon. Why does the world need to be unfair like this? Oo nga't lumaki  siya sa marangya, kilala at tinitingalang pamilya sa sosyodad, halos  wala nang mahihiling pa sa buhay, pero ang kapalit ng lahat ng 'yon ay  ito lang? She will marry a man not because she loves him but because she  needs to for the company's sake! 
Dinukot niya ang  cellphone mula sa kanyang bulsa at saka pinaandar iyon. Kanina pa kasi  niya ito ini-off dahil panay ang text at tawag sa kanya ng mga pinsan  niya at hinahanap siya. Syempre, ano pa ba ang aasahan niya? Naglayas  siya ng basta nalang sa bahay nila kaya natural na unang-una siyang  hahanapin ng mga magulang niya sa mga iyon. Almost 50 missed calls lang  naman galing sa mommy't-daddy at mga pinsan niya ang kanyang nabungaran  pagkbukas palang ng cellphone saka mga texts din galing sa mga ito.
Olivia: Rebecca,  where are you? Pinuntahan kami ni tito Fernando at tita Isabella dito sa  bahay para hanapin ka. May pinagtalunan daw kayo kaya naglayas ka  nalang bigla. Nasaan ka na ba?
Oscar: Rebs, where are you? Your dad's almost freaking!
Brandon: Hey,  Beccang! Nasa'n ka? May pinagtalunan daw kayo ni tito Fernando? Come on,  tell us. Iinom natin lahat ng sama ng loob mo!
Napailing siya't  napaismid sa mensahe ni Brandon. Ang isang iyon talaga kahit kailan ay  wala nang ibang nagawa o nasabing matino!
Althea: Rebs, where  are you? Lahat kami rito nag-aalala na sa kahahanap sayo. Sa'n ka ba  nagpunta? Ano bang pinagtalunan ninyo ni tito at hindi ka nalang  dumiretso sa aming mga pinsan mo? We're worrying here!
So, hindi pala sinabi ng  diretso ng papa niya sa mga pinsan niya ang tunay na dahilan ng  pinagtalunan nila at ng basta na lamang niyang paglalayas. Buti nalang  din at hindi siya dumiretso sa kanyang mga pinsan tulad ng laging  nakagawian na tuwing may problema siya o may pinagdaraan, buti nalang  ngayon ay naisip niyang 'wag sa mga iyon dumiretso dahil mahahanap lang  kaagad siya ng mga magulang niya. And besides, she wants to be alone  right now. All alone with liquors!
Nang binigyan siya ng  isang glass pa ng Tequila ay diretso ulit niyang nilagok iyon. Hindi na  niya mabilang ang sunod-sunod na paglagok niya ng matapang na Tequila  basta ang alam lang niya ay mukhang tinatamaan na siya at gusto niya  ito. She wants to get drunk all the way!
Hindi kalaunan ay may tumawag na naman sa kanya. It's Caitlyn.
"Yes, Cait?" bungad niya pagkasagot pa lamang.
"My god, Rebs! Where are  you? Mababaliw kami kahahanap sayo rito sa buong Marbel! Saan ka ba  nagpupupunta?" sunod-sunod namang tanong nito sa kanya.
"I'm out of Marbel right now."
"What! Nasaan ka nga ngayon?"
"Basta, medyo malayo  diyan sa Marbel pero hindi naman ganoon kalayo." nasapo niya ang ulo at  natigilan nang mapagtanto mula sa background nito ang tunog ng mga  sasakyan sa paligid. "Wait, nasa'n kayo ngayon? Are you driving?"
"Yes, I'm with Anabelle  and Hayden right now. Lahat kami hinahanap ka at halos suyurin ang buong  Koronadal para lang mahanap ka!"
Narinig niyang may  umagaw sa cellphone mula sa kabilang linya. "Hello, Rebecca? Nasaan ka  ngayon?" It's Anabelle's voice. "Alam mo bang halos mabaliw na ang mama  at papa mo kahahanap sayo! They won't stop and we, your cousins, as well  until we find you."
Napatingin siya sa  wristwatch na suot. "It's already past nine in the evening, matulog na  kayo. Okay lang ako sa kinaroroonan ko ngayon, I'm safe. Don't worry  about me and tell papa that I'm okay; I just need space right now. Uuwi  rin naman ako bukas."
Sa kabilang dako ay  nanlambot din naman siya at nakunsensya kasi ngayong naglalayas siya,  paniguradong damay sa burden ang kanyang mga pinsan. Tulad ng mga  parents niya ay mag-aalala rin ang mga iyon sa kanya at kung kailangang  suyurin ang buong daigdig ay gagawin nilang lahat, mahanap lang siya!
That's why she needs to  reassure to them right now that she's just fine and she's safe para  kahit papaano ay hindi na mag-alala pa ang mga ito. Uuwi rin naman  talaga siya bukas lalo pa't darating galing ng Maynila ang kapatid niya  kasama ng fiancée nito, hindi pwedeng wala siya para salubungin ang  dalawa.
"You sure you're fine and safe?" nahimigan niya ang kaunting relief sa boses ng pinsan dahil sa kanyang sinabi.
"Yeah. Just tell dad and  mom, I'm fine and I'm going home tomorrow. Tell our cousins too to  sleep now and stop finding for me dahil hindi n'yo talaga ako mahahanap  diyan sa Koronadal ngayon."
Narinig niya ang pagbuntong ni Anabelle. "Okay. Basta, you sure you're safe there, at uuwi ka bukas, ha Rebecca?"
"Yeah, I am and I will!"
"Hey, Rebs! Tutal  naglayas ka na rin lang, 'wag mong kakalimutan pasalubong ko ha? Chicks  lang, solve na 'ko!" nagawa pang sumingit at magbiro bigla ng isang  pinsan niya mula sa kabilang linya. She knows it. That's Oscar's voice!
Napangiti tuloy siya ng  wala sa oras. Aba't seryosong-seryoso ang halos lahat sa mga pinsan niya  samantalang ang isang 'yon puro pa rin kalokohan at kalandian!
"You're with Hayden right now?"
"Yes. He's the one that's driving." si Caitlyn na ulit ang sumagot.
Napangisi siya. "Slap him for me."
Narinig nga niyang ginawa ni Caitlyn ang kanyang sinabi, sinampal nito si Hayden. Dinig niya iyon.
"What the hell was that for, Cait! Damn it!" nagmumura na tuloy sa inis si Hayden.
"Rebecca told me to slap you!" depensa naman kaagad ni Caitlyn.
"Rebs naman!" nagmamaktol na ang lalaking pinsan niya.
Medyo naging maaliwalas  na ang mood niya nang binaba ang tawag na iyon ng mga pinsan. Kahit  paano'y stress reliever pa rin talaga ang mga best friends niya.
Pagkatapos ng tawag na iyon ay ang kuya Luther naman niya ang tumawag. So, kahit pala si kuya na nasa malayo ginambala pa talaga nila para lang sa paghahanap sa akin?
"Kuya?" she answered the call.
"Where the hell are you right now, Rebecca Leandra?" malakas ang boses na kaagad na bungad nito sa kanya pagkasagot palang niya.
Tignan mo 'to, ang OA din kung makapag-react! Dinaig pa si papa!
"Kuya, I'm getting married. Alam mo ba ang tungkol do'n?"
"You are what? Getting married? With whom, Rebecca?"
"With the heir of the  company that our company is about to merge with! Pinagkasundo ako nina  papa sa tagapagmana ng kompanyang 'yon! Hindi ba 'to nila nabanggit  sayo?"
"No, wala silang nasasabi sa akin tungkol sa pagpapakasundo nilang ipakasal ka."
"Kuya, I don't want to  get married with someone I don't love and especially with a total  stranger! Please, kuya Luth, convince mama and papa na 'wag nalang  tanggapin ang pakikipag-merge sa kompanyang iyon kung ang kapalit lang  din no'n pipilitin akong ipakasal sa tagapagmana ng kompanyang 'yon!  Please!" parang batang naghahanap ng kakampi at umiiyak na sumbong niya  sa kapatid niya.
Close naman kasi talaga sila ng kuya Luther niya. Close nga siya sa mga pinsan niya, sa mismong kapatid pa kaya niya!
Humingang-malalim si  Luther mula sa kabilang linya. "Ganito nalang, Rebs, umuwi ka muna  ngayon sa bahay dahil lahat sila ay nag-aalala sa kahahanap sayo.  Pagkabalik ko diyan sa Mindanao, sasamahan kitang kausapin sina  mama't-papa tungkol sa plano nila sayo. For now, listen to them first.  They always want the best for you, Rebecca."
Ngumiwi siya. Mukhang hindi niya magiging kakampi sa pagkakataong ito ang kuya niya. "The best for me or for the company?"
"Rebs-"
"Never mind, kuya. Matulog na kayo at 'wag nang mag-alala sa akin, okay lang ako. Uuwi rin naman ako bukas."
Akmang magsasalita pa sana ito ngunit agaran na niyang pinatay ang tawag.
Pagkatapos ng tawag na  iyon ay um-order pa siya nang um-order ng maraming glass ng Tequila. She  really needs alcohol right now dahil kung hindi ay mababaliw siya sa  kaiisip. Sa kaiisip ngayon palang na magpapakasal siya sa lalaking 'ni  isang beses sa talambuhay niya ay hindi pa niya nakikita o nakikilala  man lang!
Hindi ganito ang kasal  na pinangarap niya para sa sarili. Ang kasal na pinilit lamang siya para  sa lintek na business nila! Ang pangarap niya ay ang magpakasal sa  taong mahal niya at sigurado siya, sa taong ilang taon na niyang  kakilala at karelasyon. Tatlo o limang taon na relasyon bilang  magkasintahan bago magpakasal, iyon talaga ang kanyang plano. Yung  tipong solid na ang pagmamahal at may tiwala na sila sa isa't-isa ng  lalaking pakakasalan niya.
Yeah, she's now single  dahil kabi-break lang nila ng former boyfriend niyang batang Congressman  ng distrito nila. Nothing serious, they only lasted for nine months.  Rebecca's just twenty-four years old kaya wala pa naman talaga sa  kanyang plano ang magseryoso sa kahit na sinong nakakarelasyon. Bata pa  siya at hindi naman siya natatakot maubusan ng lalaki dahil alam niyang  hindi naman talaga sila mauubos, she's Rebecca Leandra De Vera at hindi  nauubusan ng mga manliligaw ang mga De Vera!
Magseseryoso lang siya  kapag nahanap na niya ang taong mai-inlove talaga siya ng lubusan. Iyong  tipo ng lalaking kababaliwan ng isang tulad niya at tipo ng lalaking  mamahalin niya ng panghabang buhay kaya hanggang hindi pa niya nahahanap  ang taong 'yon ay wala pa siyang planong magtino lalong-lalo nang wala  pang planong magpakasal!
"One more!" sigaw niya sa bartender saka lahad ng tequila glass sa harapan nito.
Walang patawad na  lumagok ulit siya. Wala siyang pakialam kahit ramdam na niya ang labis  na pagkahilo at pamumungay ng mga mata dahil sa kalasingan. This is what  she wants that's why she'll embrace this!
Isipin palang niyang  magpapakasal siya dahil lang pinilit siya para sa negosyo ng pamilya  nila, magpapakasal siya sa taong 'ni hindi niya mahal, at magpapakasal  siya sa isang total stranger ay halos mabaliw na siya. What if that man  is super rich yet he is old and a big time boring na taliwas sa ideal  man niyang hearthrob at puno ng thrill at excitement sa buhay? Ngayon  palang ay nai-stress at sobrang nadi-depress na talaga siya kaiisip!
"Ang laki yata ng problema mo ah?" anang lalaking kauupo lang sa katabi niyang stool.
-----
This is a work of  fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are  either the products of the author's imagination or used in a fictitious  manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual  events is purely coincidental.
No part of this book  may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any  means without the prior permission of the author.
Thanks and Godbless :-)
PS: I highly recommend you read first the De Vera Series 1 which is "Yours Truly," Luther De Vera's story (kuya ni Rebecca) bago itong De Vera Series 2. Mas nauna po kasi 'yon kaysa dito, but if you don't want to okay lang din naman since 'di naman makaka-affect 'yon ng story nitong kay Rebecca kung uunahin niyo ito. It's just up to you po, recommendation lang naman ang akin. Thanks! Enjoy reading and God bless :)