Inihilig niyang maigi sa unan na yakap niya ang kanyang pisngi saka hinayaan ang mga luha sa pagwawala. Sa pagpunta niya rito sa Maynila, isang bagay ang napagtanto niya. Raphael Montgomery is really charming na kahit siya sa madaling panahon palang ay nakuha na kaagad nitong bihagin ang puso niya. Hindi niya inakala at mas lalong wala naman talaga sa plano niyang mahulog kay Raphael, ngunit sadyang pinagtataksilan siya ng kanyang damdamin at talagang ito pa ang pinili ng puso niya. Yes, she has fallen... fallen so hard. Naamin na niya iyon sa kanyang sarili. She loves Raphael Montgomery and it was so unexpected! She's even wondering as of this moment kung ano ba talaga yung mas mahirap at mas masakit, yung nagmamahal ka sa taong ayaw mong amining mahal mo kasi hindi mo matanggap sa sari