• 3rd PERSON POV • TATLONG ARAW ang nakalipas mula nang maaksidente sina Jason at Pauline kasama ang mga bata ay tsaka lang nalaman ni Chris ang nangyari dahil sa sobrang busy nito sab ago niyang restaurant na itatayo sa makati, halos hindi na rin niya naiisipan pang manood ng TV o kaya hawakan ang cellphone niya. Kapag may tawag lang niya ito nagagamit kaya agad niyang tinawagan sina Carl at ang kambal nito na si Jasfer para ibalita ang tungkol sa nangyaring aksidente sa mga ito. “Oo, papunta na ako sa Sullivan Medical Hospital. O sige, mag-ingat kayo sa flight niyo. Tawagan niyo ko agad kapag nasa airport na kayo para masundo ko kayo agad,” sabi ni Chris sa kausap niyang si Jasfer. Nang makarating ito sa nasabing hospital ay napansin nito na sobrang daming reporter at mga media a