• AIDAN POV • “Kambal ang anak niyo!” sabi ng doctor ni Pauline habang tinitignan ang screen ng ultrasound ng asawa ko. What!?!” sabay na sabi namin ni Pauline. “Yes, Mr. and Mrs. Claxton, yung naunang ultrasound na ginawa natin no’ng mga nakaarang mga buwan ay hindi na detect ang isang baby, siguro dahil maliit pa o kaya nahiya magpakita. Mabuti na lang at bumalik kayo ulit para tignan ulit ang baby niyo,” paliwanag ni doktora sa amin. “Some parents even get to know that they’re going to be nursing twins, maybe fifteen to twenty minutes after labor,” dagdag pa nito sa amin. Ipinaliwanag ni doktora ang iba pa namin mga mahahalagang bagay na dapat tandan sa pagbubuntis ni Pauline, habang ipinapaliwanag ito sa amin ay hindi namin maiwasan ang magkatingan sa mga mata ng asawa ko at ng