• 3rd PERSON POV • ISANG BUWAN nang naghahanap si Aidan sa kanyang asawa sa Macau pero hindi pa rin niya ito makita. Itinigil na din niya ang pagdududa kay Jason dahil nakita mismo ng dalawang mata niya na wala sa kanya si Pauline dahil may asawa na ito at buntis pa. halos dalawang lingo nila itong sinundan at sinubaybayan lahat ng mga kilos at galaw nito kahit saan ito mag punta ay nakasunod sila ng patago pero sa loob ng dalawang lingo na ‘yon ay wala silang nakita na kakaiba o kinutuban na tinatago niya si Pauline kaya na kapag decide na lang ito na hanapin ang asawa niya sa buong Macau. “Let’s go home,” sabi nito kay Steve kaya sinenyasan niya ang driver nila para bumalik sa hotel kung saan namamalagi si Aidan. Maya-maya lang ay biglang nag vibrate ang cellphone niya kaya kinuha