• JANINE POV • TATLONG BUWAN na ang nakalipas simula ng huli kong makita si Aidan. Ang alam ko ay patuloy pa din niyang hinahanap ang asawa niya pero sa tatlong buwan na iyon ay hindi pa rin niya nakikita ito. Hindi niya din alam na si Jason ang kumuha dito. “Ano ba naman ‘yan Aidan, naturingan kayong bilyonaryo pero hindi niyo man lang mahana-hanap ang asawa mo? Iisang tao lang naman ang hinahanap niyo,” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa TV. Siya kasi ang laman ng balita dahil may bago na naman silang bukas na resort at hindi lang basta resort dahil buong isla ay kanila. “Lahat ng ‘yan ay magiging sa’kin, lahat ng meron ang Pauline na ‘yon ay mapapasa’kin din. Malapit na malapit na.” Napangisi ako sa naiisip ko. “Babe.” Agad kong pinatay ang TV nang dumating na si Marvin