CHAPTER THIRTEEN

1446 Words
Parang may biglang dumaang masamang alaala kay Sid nang marinig ang katagang ‘yon. Napatayo at nilapitan n'ya si Bea. Alam kong si Sean Montecer ang nagpalaki kay Luxx eight years ago pero nakakagulat na s'ya pala ang dating leader ng Inferno. Pero bakit n'ya ibinigay kay Luxx ang position n'ya tapos ngayon ay babawiin n'ya. “Spill more,” utos ni Sid. “Tutol ako sa plano n’ya kaya napagbuhatan n’ya ako ng kamay at ikinulong sa HQ ng Inferno para hindi ako makapagsumbong pero nakagawa pa rin ako ng paraan para makatakas sa kamay n’ya.” Napalunok ako sa lahat ng sinabi n’ya. If she is telling the truth, Luxx is evil as hell. “Ano mang oras ay pede s’yang sumalakay dito sa hacienda, kilala ko si Luxx. Matalino s’ya at walang sinasayang na oras. Lalo na't alam kong alam n'yang nasa puder mo ako.” Yes, you are freaking right Bea. He is indeed smart but in a bad way. “Sa walong taon ay matagumpay kong nabuhay ang embroidery business nina Dad at Mom at hindi ko ‘yon basta-basta ibibigay sa kan'ya. My embroidery business cannot survive kung s’ya man ang magha-handle, hindi n’ya alam ang pagpapatakbo ng business na ‘yon.” "Delikado si Luxx lalo pa ngayon na may masama s'yang balak. Hindi lang ikaw ang mapapahamak sa oras na hindi mo isuko ang embroidery." Halata kay Bea na kilalang-kilala n'ya na si Luxx. Then bakit ngayon lang s'ya tumakas if alam naman na n'yang may mga masamang gawain si Luxx? That idea is bothering me. "I am not the type if guy who easily frighten. This is not the first time na gagawa s'ya ng gulo. If this is what he wants, then go. Kaya kong pumalag." Gumuhit ang takot sa aking buong kalamnan dahil sa tono ni Sid. Ramdam ko ang galit sa boses n'ya at alam kong hindi talaga s'ya papayag sa gustong mangyari ng kambal n'ya. Wala akong ideya sa plano ni Sid about sa emboidery kaya ngayon ay mas nahihirapan ako sa sitwasyon. The twins are unstoppable. Saka lang ata sila titigil kapag may namatay na sa kanila na isa. Napabuntong hininga si Bea at mas inigting ang tingin kay Sid. “Pagkatapos nito ay wala na akong pupuntahan at nasa hukay na rin ang aking paa..." Nalipat ang tingin ni Sid sa kausap. "... Wala akong pamilya sa Alfonso kaya hayaan mo akong magtrabaho sa embroidery business mo kahit isang simpleng staff lang.” Napatigil si Sid. “Gusto kong mabuhay at ang pagtatrabaho lang sa’yo ang alam kong paraan para maitawid ang aking pang araw-araw na buhay.” "It's like a suicide act if I let you enter my business. Anytime soon, puwedeng magpakita si Luxx do'n." Napailing si Bea. "Alam n'yang paghihigpitin mo ang security sa embroidery dahil alam n'yang isusuplong ko s'ya. Mas delikado kung susugod s'ya don, iniisip n'ya rin ang kapakanan ng mga tauhan n'ya. Hindi biro ang security system na meron ka kaya mas palagay ako kung nasa business mo ako mamamalagi." Napa-isip si Sid at napahilot sa kan'yang batok. Halatang pinag-iisipang mabuti ang sinabi ni Bea. Tama nga naman si Bea at hindi ko s'ya makontra pero iba ang kutob ko sa babae 'to. Hindi ko maexplain pero sa ngayon ay s'ya lang ang alas na hawak ni SId. "Anton, he is the manager of the embroidery. S'ya ang bahala sa'yo. I will give you an allowance and everything you need." Literal na parang nagliwanag ang mukha ni Bea. "But I am commanding you to stay at the hacienda for another day. I just want to check your body for the last time if you are already capable of working at embroidery." Nagtatakbo si Bea kay Sid at niyapos ito. "Salamat Sid, salamat." Naiyak na ito pero kitang-kita ko sa mukha n’ya ang kan'yang nakakabahalang ngiti sa likod ni Sid. The f*ck is that? Nangunot ang noo ko dahil sa pagkaweirdo sa kan'ya. Naputol ang nasa isip ko dahil inilayo ni Sid ang katawan ni Bea sa kan'ya. Mahigpit na hinawakan ni Sid ang mga balikat ni Bea at pinantayan ng tingin. "I want to warn you, don't you dare to do sh*t behind me. I will never regret putting a knife in your neck." Lalong lumaki ang ngiti n'ya. "Maasahan mo ako, Vice Mayor." Sabay haplos sa kamay ni Sid na nakahawak sa balikat n'ya. ~*~ Tanghali na pero hindi pa rin ako nabangon. Katok nang katok si Emma sa pinto pero wala ako sa mood na kumausap ngayon. Para na talagang sasabog ang utak ko sa lahat ng impormasyon na nalaman ko. Naiinis ako kay Luxx dahil bakit hindi man lang n'ya pinaalam na meron pala s'yang iba pang balak about sa embroidery? Napatalukbong ako sa kumot nang marinig ko na naman si Emma sa pinto. "Miss Carol! Gising na po!" Isa pa, lalo akong mahihirapan na makuha ang loob ni Bea dahil bukas na bukas ay aalis na s'ya at pupunta na s'ya sa embroidery business ni Sid. Napapadyak lalo ako sa inis. Tapos ang buhay ko kapag hindi ko nadala si Bea kay Luxx ano mang oras ngayon. "Carol? Are you there?" Mabilis akong napatayo dahil sa boses ni Sid sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at nag-ayos ng sarili. "Yes, I'm here." Wala pang ilang segundo ay nagbukas na ang pinto at tumambad sa akin ang napakakinis na mukha ni Sid. He is wearing simple white shirt and maong tokong. Oh, dang. Those beautiful eyes of him are immaculate. Nakakunot ang noo niya at tiningnan ako ulo hanggang paa. "Mukhang kanina ka pa gising, masama ba pakiramdam mo kaya hindi ka nalabas?" Mabilis akong napailing. "No, I'm not. Napagod lang talaga ako kagabi." Napatango naman s'ya at mas lumapit sa akin. "I heard that you are heading home?" Napataas ang dalawa kong kilay at bigla ko ring naalala na ang ibinook ko nga pa lang flight pauwi sa America ay today. "About that? No, I'm not leaving." Napangiti si Sid at napalibot ang tingin sa kwarto ko. Bigla naman may dumamba sa bintana ko na isang puting pusa. Oh, her name is Vien if I am not mistaken. "Staying here at hacienda is refreshing hindi katulad sa states. Maybe, magtatagal muna ako rito. If it is okay?" Umupo ito sa kama ko na hindi ko pa natitiklop ang mga bedsheet at kumot. "You owned the hacienda, don't bother to ask for my permission. You are welcome here." Lumapit ang pusa kay Sid at kumandong 'to. Sungit sa akin pero pag kay Sid todo lambitin. Well, gets naman kita Vien. "I have a reservation at Urban Spice. It's a Filipino restaurant. If you don't have a plan today we can visit the restaurant for our brunch." He said that with full confidence in his voice. Napailing naman at natawa. "Your'e taking me on a date, Sid?" Binuhat n'ya si Vien at itinaas 'yon sa ere. "I mean if that is interpretation, why not?" Do'n na ako tuluyang napangiti. This man really knows how to make me blush. ~*~ Naghahanap ako ng damit na puwede kong gamitin pero naibagsak ko lang ang maleta na dala-dala ko nang dumating ako rito. Wala na akong matinong gamit do'n dahil ang buong akala ko ay hindi ako magtatagal dito. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa katabi kong kwarto dahil baka dito ay may makikita akong babagay sa akin. Ayaw ko namang magmukhang kawawa sa harap ni Sid mamaya. Mukhang walang nagamit ng kwartong ito pero dumeritso agad ako sa cabinet. Bumungad agad sa akin ang mga damit ng pambabae, karamihan ay mga itim ang kulay ng damit at mga fitted shirt at jeans 'yon. Sino naman ang gumagamit nito? Imposibleng si Emma at Ruth. Hindi naman maaaring si Bea dahil taliwas naman ito sa fashion style n'ya. Napabuntong hininga ako, isasara ko na sana ang cabinet nang may maaninag akong isang puting dress sa ilalim na part. Nasa isang plastic 'yon at maayos na nakatupi. Viola. Meron naman pala akong mahahanap na matino bukod sa mga itim na damit. Mabilis akong nag-ayos at inintay si Sid sa labas ng hacienda. "Quinn?" bulaslas ng boses sa likod ko. Tumambad sa akin ang mukha ni Sid na gulat. Did he called me Quinn? "I said Carol is enough,'" pabiro kong saad at umirap sa kanya. Mukha s'yang nakakita ng multo. Inilagay n'ya ang kan'yang isang kamay sa bulsa at ipinulupot ang isa naman sa aking beywang. "That white dress is very nostalgic, I hope to see you again wearing that." Nahawi ko naman ang buhok sa aking tenga. I'm glad that he likes it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD