Hindi gano'n nagtagal ang brunch date namin ni Sid. Hinatid ako ni Sid sa Hacienda de Venice at umalis din s'ya para sa kan'yang Vice Mayor duties. Tamang-tama dahil makakaalis ako papunta kay Luxx.
I'm afraid that someone might die in their fight, kaya hangga't maaga pa ay kakausapin kona si Luxx na itigil na ito. Dahil kapag nakausap ko na s'ya ay madali na para kay Sid na hindi patulan ang kambal n'ya.
Ako kasi ang naiipit sa away nila. I don't want to betray Sid so this is the only safe way I know to end this.
Gabi na at walang katao-tao sa kalsada at puro matatayong na puno lang ang nakikita ko sa labas ng bintana ng kotse. Kasama ko si Henry, bodyguard ni Dad.
Malayo na rin ang binayahe namin mula sa hacienda. Umalis kami do'n ng may araw pa pero ngayon ay wala na.
"Ma'am Carol," tawag sa akin ni Henry. Seryoso s'yang nakatingin sa kalsada at napahinto s'ya sa pagda-drive.
I saw a Lamborghini on the side of the road at swabeng nakasandal do’n si Luxx habang may pangat-pangat na sigarilyo.
"Kuya Henry, pull over."
Wala akong pagdadalawang isip na lumabas sa kotse at sinalubong si Luxx. Malamig ang simoy ng hangin at tanging kami lang ang nasa kalsada.
Binatuhan n'ya ako ng makamatay na tingin at saka s’ya tumayo ng tuwid.
"Nice meeting you again, Lady Quinn."
Inaamin kong para 'yong kuryenteng dumaloy sa akin. Mula sa kinatatayuan ko ay amoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo mula sa kan'ya na mas nakadagdag ng angas n'ya.
"Why are you in the middle of the road? Wala ka man lang headlights."
Hindi n'ya ako pinansin at itinapon sa isang parte ang hawak n'yang sigarilyo at mas nilapitan ako.
"Why you wearing that stupid dress?" Ramdam ko ang kaunting inis sa boses n'ya. Nagtaka naman ako.
"I don't find anything wrong about this dress. What's your problem?"
Hinigit n'ya ako at ipinasok sa kotse n'ya. Sa laki ng katawan n'ya ay wala akong nagawa.
Nakita ko naman na napalabas si Henry sa kan'yang sasakyan at napatakbo sa kinaroroonan ko.
"He doesn't need to know my house's exact location. Better text him not to tag us along."
Pinaharurot n'ya ang kan'yang kotse. Kinuha ko ang phone ko at itinext si Henry.
"He probably kissed you after seeing you wore that dress."
Kunot-noo akong napatingin sa kan'ya habang walang pag-aalinlangan n'yang tinatahak ang kalsada.
"I don't understand what you mean by that. It's just a dress, nothing's special."
Rinig ko ang mahina n'yang pagtawa. Alam ko naman na ang kambal n'ya na naman n'ya ang pinag-iinitan n'ya. Tama naman kasi, dress lang 'to.
"Did he give you that?"
Idinapo n'ya ng mabilis ang tingin sa akin.
"No, nakita ko lang 'to sa bakanteng kwarto sa hacienda. Huwag mong palakihin ang isang bagay, Luxx."
Lumaki ang ngisi sa kan'yang bibig at mas pinabilis ang takbo. "Possessive sh*t."
"Hey, are you pertaining to your twin?" inis na tanong ko sa kan'ya.
Pumasok ang kotse sa isang napakalaking gate at bumungad sa amin ang napakahabang driveway.
Don't tell me na ito ang katas ng mga illegal businesses ni Luxx? Dahil kung oo, this cold-hearted guy is living his best life.
"Yes, because he is."
Ipinark n'ya ang kotse sa tapat ng entrance ng mansion n'ya. Kinuha ni Pablo na nag-iintay ang susi kay Luxx at s'ya ang nagdrive no'n sa garage.
"Do you know what Luxx, stop this war now hangga't maaga pa."
Walang ganang ibinato n'ya ang kan'yang coat at baril sa sofa kasama na rin ang kaha ng sigarilyo at lighter.
"Did you already forget? He started this, not me."
Napapalakpak naman ako at inilibot ang tingin sa higanteng interior ng bahay.
Dang, every corner of the house screams money.
"Pero may plano kang bawiin ang embroidery kay Sid, hindi ba?"
Napatigil ito sa pagbubukas ng ref. Napangisi ako.
"Akala ko ba s'ya ang nagsimula? Pero how would you explain ang sinabi ko?"
"So it means Bea successfully entered embroidery?"
Literal na tumaas ang galit ko sa narinig.
"The hell are you talking? Ibig sabihin, in the very start niloloko mo lang pala ako? Hindi totoong tumakas sa HQ si Bea?"
He playfully walks towards me with his little smile.
"Sorry," he said in a low and sexy voice.
Dahan-dahan n'yang ipinulupot ang kan'yang kamay sa aking bewang.
Kaya pala iba ang kutob ko kay Bea. Kakampi n'ya si Luxx at nabilog n'ya si Sid para makapasok s'ya sa embroidery.
Mapapadali nga naman na makuha ni Luxx ang business ni Sid kung may spy na sa loob ng embroidery.
Buong lakas ko s'yang itinulak pero ang dalawa n'yang braso ay nakalock na sa akin.
"Get away from me!"
Umiling-iling s'ya at pinagmasdan ang mukha ko gamit ang mapupungay n'yang mata.
"Palabas lang pala na tumakas si Bea para mapapunta s'ya sa puder ni Sid at ginamit mo rin 'yon para linlangin ako. You told me to seduce Sid, para ano? Mabaling ang atensyon n'ya sa akin habang nagawa ng kasamaan si Bea sa embroidery?"
Itinulak-tulak ko s'ya dahil sa inis.
"Nagmukha akong tanga!"
"Shh, shh."
Tinabig ko ang kamay n'ya sa aking bibig. Tama talaga si Sid na hindi talaga s'ya pagkatiwalaan. Gagamitin n'ya lang talaga ako.
"Tigilan mo na si Sid, Luxx. Itigil mo na ang balak mo. Kung ang hanap mo ay pera para sa Inferno, why not to use Lexington?" suhestyon ko.
Mas inilapit ni Luxx ang katawan n'ya sa akin na mas ikinapalag ko.
Ayokong lumalapit s'ya ng ganito dahil ayokong may maramdaman akong iba. Natatakot ako na baka iba ang interpretasyon ng utak at katawan ko sa mga galaw n'ya.
He is very tempting at hindi ako gano'n ka-santo para hindi mapigilan ang sinisigaw ng katawan ko.
"Lexington is not mine nor Sid."
Kung gano'n, kanino? Sa pamilya nila 'yon hindi ba?
Napahawak ako sa kan'yang likod dahil yumapos s'ya sa akin at ibinigay n'ya ang buong bigat ng katawan n'ya sa akin.
Hindi ko kakayanin ang bigat n'ya, he's like a beast. Walang-wala ang katawan ko.
"Lexington was bequeathed to Nyx."
Buong lakas ko s'yang iniupo sa silya at takang tumingin sa kan'ya. Hindi n'ya pa rin ako binibitawan.
"Who's Nyx?"
Napapikit s'ya sa tanong ko at medyo kinurot ang tagiliran ko gamit ang malalaki n'yang kamay.
"If you stay curious about me, it will be more difficult for you to remove me from your life."
Hinampas ko s'ya sa kan'yang naglalakihang dibdib ay lumayo sa kan'ya.
That line truly hits me.
"I'm just helping you so that the problem between you and Sid doesn't get worse. Bakit hindi mo idaan sa magandang usapan si Sean Montecer?"
Mahinang napatawa si Luxx sa sinabi ko at umayos ng upo.
"It's not that easy. Sean Montecer is not the guy you are thinking of." He brushes his hair upwards, a habit na ginagawa nilang magkambal.
"You already know a lot, have you talked to Bea?"
Iniiwas ko ang tingin sa kan'ya nung maghubad s'ya ng t-shirt sa harap ko.
"No, wala sa haciendang nakakausap n'ya."
Naglakad s'ya sa kusina at nagstart na gumawa ng sarili n'yang kape sa espresso machine.
Kumuha ako ng malalim na hinga at ikinalma ang sarili. Kailangan ko nang tapusin ang nasimulan ko kay Luxx para makabalik na ako sa dati kong tahimik na buhay.
"Since ayaw mong magpatulong and it looks like you don't need me anymore, let's cut our ties now. Hindi ko na gagawin ang mission na ibinigay mo sa akin. Wala ka nang mapapala sa akin at gano'n din ako."
Napatawa ng nang-aasar si Luxx habang nagga-grind s'ya ng coffee beans.
"You know my whole plan and you expect me to let you go? I'm not dumb, Quinn."
"I can't seduce Sid, okay? He is a good man, hindi ko s'ya kayang paglaruan."
Napangisi si Luxx ng nakakaloko. "Then ako ang paglaruan mo because I'm the bad guy."
Iniiwas ko ang tingin ko. What's wrong with him? Hindi ito ang tamang oras para makipaglandian.
"Seryoso ako sa sinabi ko."
He poured his latte into his silver cup.
"Seryoso rin ako. If you don't want to seduce Sid, your only option is to reveal to Sid that we had a relationship if you want to stay alive."
"Stay alive? Papatayin mo ako kapag hindi ko sinunod ang gusto mo?" maang na saad ko.
"No but Sean Montecer. He knows that you are working for me and when you abandon the Inferno, you will lose your security and it will not be difficult for him to kill you so
that he can erase you from this world."
Bigla akong napatigil. Para pa lang nasa hukay na ang isa kong paa sa oras na nakilala ko si Luxx.
"Choose wisely, honey."