CHAPTER EIGHT

1454 Words
Nanlaki ang mata ko at napaangat sa kinauupuan. “Pablo, itigil mo.” Napatingin sa akin si Pablo sa salamin. He's with Julio while peacefully walking around the market. He's wearing his usual attire, with a cat patch on his collar. Halatang namimili rin para sa stocks ng hacienda. He is calmly waving and smiling at the vendors. Naningkit ang mga mata ko, I remember na his a Vice Mayor ng Alfonso. That guy! Kay Luxx ko pa nalaman na nasa politics pala s'ya. I'll try to open the van door pero hindi pa rin itinitigil ni Pablo “Pablo, I really need to talk to Sid para matapos na ‘to.” Para s'yang bingi at mas binilisan pa ang takbo. “I think you already forgot about our deal.” Halos mabali ang leeg ko nang magsalita si Luxx sa likod at tahimik na nakaupo sa bandang dulo ng van. Hindi ko na s'ya napansin dahil okopado ang isip ko sa maraming tanong. “There's no deal between us. You threatened me.” Napataas ang isa nitong kilay. “Sit down properly and stop ruining my plan. This is not the right time to meet that shit.” Napairap ako dahil nawala na sa paningin ko si Sid. That's my only chance pero nabigo ako. “Bakit naman kasi na'ndito ka? Akala ko ba may errands kang pupuntahan?” sarkastiko kong tanong. Totoo ‘yon kaya hindi na kami nakapag-almusal dahil kinailangan n’yang umalis. Magluluto sana ako pero tumanggi naman ‘tong dalawa na sabayan ako. Malay ko bang magkakakonekta pala mga bituka nila. “What's the problem? It’s my van, sasakay ako rito hangga’t gusto ko.” Napailing na lang ako at napabusangot. I can't admit that when he's using Tagalog words, he's making the word more sexy, plus his tempting thin, and juicy lip is shining like a glazed fruit. Parang ang sarap pakinggan ng tagalog ‘pag s’ya nagsalita. Muli akong napairap, why do I need to romanticize him when he is the reason why I am in danger right now? F*ck! Namuo ang katahimikan sa loob ng van at napagdesisyunan ko na munang sumandal sa bintana at pumikit. Napamulat na lang ulit ako nang maramdamang may tumabi sa akin. Napalingon ako kay Luxx na seryosong pinagkrus ang malalaking braso at pirming tumabi sa akin. “What?” takang tanong n’ya sa akin no’ng hindi ko putulin ang tingin sa kanya. “The heck are you doin’?” Kunot-noo rin s’yang humarap sa akin. “Nakakaliyo sa likod.” Sabay irap din sa akin. Napamaang naman ako. Liyuhin s'ya? Sa laki n'yang ‘yan? Hindi na ako sumagot dahil anong palag ko at saka muling pumikit. “Thinking about Sid?” Awtomatiko akong napamulat. Bakit ang daldal n’ya ata. Pinagkrus ko rin ang kamay ko at deristong tumingin sa daan. “Yes because I'm still on his side.” Wala s'yang kibo pero kitang-kita ko kung paano napataas ang gilid ng kan'yang labi. “Are you blind? You already saw him peacefully doing his thing without worrying or thinking about someone.” Napalunok ako sa narinig. “Are you sure that he's coming after you? How many days are you missing, Quinn? But what is he doing? Mamalengke?” Napaderisto ang tingin ko sa kanya. Mula rito ay walang takas sa akin ang hugis ng kan'yang panga na bumabagay sa kan’yang adams apple. “He's worrying about me, I'm so sure about that. Not only him but also the whole people in the hacienda. They just—just really need time to get some help to get me from you.” Pinigilan kong mautal dahil hindi ko kayang tanggapin ang sinabi n'ya. Dumeritso ang tingin n'ya sa akin. “Again, Sid is not the saint that you are expecting. I'll never get tired of reminding you of that.” Napaiwas na ako ng tingin. Sid is a playful guy but I know that he cares about my disappearance. “Shut up, Luxx.” Napatawa ito ng bahagya. “I'm just stating the fact since I've already known him for my whole life and I know what a creature he is." Napahinga ako ng malalim at kasabay no’n ang pagtigil ng van. Sinisiraan n'ya lang ‘yong tao, hindi naman kasi lingid sa kaalaman kong sura s'ya sa kambal n'ya. Bigla akong napaisip. Bakit nga ba galit si Luxx kay Sid? What's the main reason? They're twins, they should be inseparable. That question gave me chills. Bigla akong nacurios. “Tara na panget, tulala ka pa d'yan. Alam mong nabinggo kana kay Bossing ayaw pa dalian.” Inambahan ko ng suntok si Renz nang magsalita ito. Bwesit talaga e! Doon ko napansin na nakalabas na si Luxx at Pablo kaya nagmadali na rin akong lumabas. Napatungo naman ako dahil napasukan ng buhangin ang slides na suot ko. Teka.. Bigla ko namang naamoy ang tubig dagat sa paligid. Ibig sabihin ba nito… “Pangeeet! Ano ba! Dali, ang init!” Mabilis akong nagtatakbo at sinundan si Renz na dala-dala ang pinamili ko. Biglang gumuhit ang saya sa katawan ko. Gano’n na lang ang aking pagkabigla nang sumalubong sa akin ang napaka-asul na dagat at puting buhangin. “Wow,” naibulaslas ko. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganitong kagandang dagat dahil matagal akong namalagi sa states. May ganito pala sa Alfonso! Nakita ko naman sa itaas ang malaking pangalan ng hotel nakaukit sa bato. Lexington Hotel and Resort. Pumasok kami sa lobby at nakita kong kinakausap ni Luxx ang receptionist na halos maging tocino na sa pula. Nako kang babae ka, d'yan ka pa tinamaan. May mga ilang staff na nag-aayos ng table and chair. For sure ay may event sila na gaganapin. Habang ang kasama ko namang si Renz at Pablo ay normal na nakaupo sa coach habang kinakain na ni Renz ang isang delata ng meatloaf. Pa’no n'ya nabuksan ‘yon? Damn, iba talaga kapag ugaling tarzan. Paniguradong gutom na. Arte kasi, sabi ng magluluto ako, umayaw pa. Nakita ko namang pabalik na si Luxx kaya tumayo na ako. May dala itong dalawang key. Ang isa ay ibinato kay Pablo at ‘yong isa ay itinago na sa kan'yang bulsa. “Room 071, 3rd floor.” Napatango si Pablo at nauna ng umalis at dala ang pinamili ko. Doon ko naman napagtanto na hindi pala ‘yon pangstocks sa HQ. May paganito pala naman si Luxx, tsk! Birthday n'ya ba? Tumayo na rin si Renz kaya sumunod na ako sa kanya. Mga nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay bigla ko ng naramdaman ang isang malaking kamay sa aking pulso. “You come with me.” Literal na nagusumot ang mukha ko. Pinagsasabi neto. “Ayoko,” tutol ko. Nanliit ang mata ni Luxx na parang napipikon. “Ang tigas talaga ng ulo mo,” bulong n'ya na hinding-hindi naman nakatakas sa pandinig ko. Mas humigpit ang hawak nito at dali-dali akong hinila papuntang elevator. “Renz’s room is for 2 people only, you can't come with him.” Hindi pa rin n'ya binibitawan ang kamay ko kaya kinuha ko ‘yon sa kanya. “At anong mangyayari? Sa'yo ako sasama?” Masungit s'yang tumingin sa akin. “Not obvious, Quinn.” Napaiwas na ako ng tingin dahil wala na akong maisip na maibara. Bakit ba Quinn nang Quinn, Carol is enough! “No touching and we should sleep in different beds. Also, respect each other's privacy,” I commanded while we were facing the door's room, 078. “That's impossible to happen.” “At bakit?” He opened the door, and the breathtaking scenery of the sea and some rock formations welcomed me. The wall is glass; that's why the beauty of the turquoise sea of Alfonso did not escape from my naked eye. This is fantastic! Ang ngiti ko ay biglang bumagsak nang makita ang isang queen size bed. Anak ng— Marahas akong napalingon kay Luxx at walang buhay lang din s’yang nakatingin sa akin. “The resort is fully booked, this is the only room they have. I don't have a choice.” Napahilamos ako, ito ata ang unang pagkakataon na tutulog ako kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala. This is crazy and the fact that he is my abducter. “But—” Pinutol n'ya ang sasabihin ko. “But you have a choice, either you sleep in the van or outside this room right in front of the door.” Napapikit ako at tinanggap na ang kapalaran ko. Bakit ba kontrolado n'ya na ang buhay ko? May sarili pa ba akong desisyon? Ngingsi-ngisi s'ya at tinalikuran na ako at pumanhik sa banyo. Luxx, Luxx, you're really getting on my nerves!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD