INILIBOT pa ni Ahtisa ang tingin sa loob ng kamalig. Maraming nakaimbak doong ubas. Seryoso ba talaga na magbibilang siya roon ng mga ubas? Wala roong katao-tao kung ‘di siya lang. Wala ring ilaw na nakabukas at tanging sa nakabukas lang na pinto nanggagaling ang liwanag sa loob ng kamalig. “Hindi naman siguro seryoso ang inspektor na ‘yon,” anas niya. Sa dami ng ubas doon, mabibilang ba niya iyon isa-isa? “Pahamak na ubas,” himutok niya bago naupo sa isang tabi. Mag-imbento na lang kaya siya ng bilang ng ubas na naroon? Maniwala kaya ang inspektor kung sabihin niyang naka-isang milyon siyang bilang ng piraso ng ubas? Natawa siya sa sariling kalokohan. “Ano’ng inuupo-upo mo riyan?” Napakislot si Ahtisa nang marinig ang boses na iyon. Hindi nga siya nagkamali at ang nakakainis na l

