NANG makabawi si Ahtisa ay kaagad niyang itinulak sa balikat nito si Ran para makawala sa halik na gusto nitong simulan. Kaagad ang pagdagundong ng kaba sa kaniyang dibdib na halos magbaba-taas dahil sa naging malalim niyang paghinga. “R-Ran, hindi mo kailangan gawin ‘yon.” “Kapag ikaw, puwede? Kapag ako, bawal?” Sandali siyang na-speechless sa sinabi nitong iyon. Naalala na naman niya noong unang beses niya itong halikan na lang basta. Umangat ang mga kamay ni Ran papunta sa kamay niyang nakahawak pa rin sa may balikat nito. Inalis nito roon ang mga kamay niya at ipinulupot sa may batok nito. Kapagkuwan ay bumaba ang mga kamay nito at ipinulupot naman sa may baywang niya. “Ran,” tangi na lang niyang nasabi nang muli siya nitong hagkan sa kaniyang mga labi. Parang nagsalimbayan lalo

