NAPAHAWAK si Ahtisa sa kaniyang tiyan. Para bang mayroon siyang gustong kainin. Kahit na kakakain lang naman nila ng almusal nang umagang iyon. Mamaya pa nila pag-uusapan ni Kieran ang tungkol sa plano nitong dance performance para sa mismong birthday party nito. Sa ngayon, mayroon itong kinailangang puntahan kaya umalis muna sa mansiyon. Hindi naman siya sumama sa kaniyang Lola Alejandra at sa kaniyang pinsan na isinama ni Don Aurelio sa pamamasyal sa hacienda. Dahilan kasi niya, gusto niyang mamahinga lang muna. Hindi na rin naman siya pinilit ng kaniyang lola na sumama. Ipinagpalagay na rin nito na hindi na bago sa kaniya ang San Roque dahil halos kagagaling lang niya sa bayan na iyon. Pero sa halip na tumuloy sa kaniyang gamit na silid, naglakad siya palabas sa mansiyon nang makita

