Chapter 04

1651 Words
“SEÑORITA,” impit na reklamo ni Ayrah. “Baka maligaw ka.” Nginitian ni Ahtisa si Ayrah. “Don’t worry about me, Ayrah. Tanda ko naman ang daan kung saan ang pauwi sa bahay, eh. Promise, makakarating ako roon ng buo,” assurance pa niya rito. Gusto kasi niyang maglakad pauwi. Pero itong si Ayrah, para bang ayaw sa kaniyang ideya. “Isipin mo na lang na parte ng exercise ko ang paglalakad ko pauwi. Seriously, gusto kong namnamin itong lugar na ito sa pamamagitan ng paglalakad.” “Pero…” “Makakauwi ako.” Napalunok si Ayrah. “Hindi ka po kasi sanay rito sa San Mateo.” “Uy, hindi, ah. Tanda ko noon, ang layo ng nararating ko sa lugar na ito para lang maglaro. Sige na, sumama ka na sa kuya mo,” pagtataboy na niya rito. Pero si Ayrah, animo ipinagkit sa lupa ang mga paa. Ayaw humakbang paalis. Ayaw siyang iwanan. “Sige na, Ayrah.” “Seño—” “Maria,” paalala pa niya rito. Bumuntong-hininga si Ayrah. “Hihintayin kita sa may gate,” sa huli ay wika na lamang nito. Gate ng Casa Mariana ang tinutukoy nito. Ang bungad na gate sa malawak ding lupain ng kaniyang Mamita. Tumango naman si Ahtisa. Nilingon pa siya ni Ayrah bago ito sumakay sa pickup na dina-drive ni David. Sandaling nag-usap ang magkapatid dahil hindi siya sumakay sa pickup bago iyon tuluyang umalis. Napangiti pa si Ahtisa nang magtagumpay sa planong paglalakad. Nag-inat pa siya ng dalawa niyang kamay. Dahil nag-e-enjoy pa siya sa pamimitas ng mga ubas kaya kahit paano, hindi niya ramdam ang sobrang pagod sa maghapong trabaho sa ubasan. Nang ma-realize ni Ahtisa na may kalayuan din ang palabas sa parteng iyon ng ubasan, papunta sa may main road, saka lang siya napapalatak. “Lakad pa more, Maria Ahtisa,” bulong pa niya sa kaniyang sarili bago nagsimula na ring maglakad sa may gilid ng kalsadang wala man lamang semento. Rough road iyon. Kung may mabilis na dadaang sasakyan sa kalsadang iyon ay natitiyak niyang kakain siya ng alikabok. “Maria, gusto mong sumabay?” nakangiti pang pag-aalok sa kaniya ng isa nilang nakasama sa trabaho sa ubasan na may dalang motorsiklo. Babae iyon. “Salamat na lang. Malapit lang naman ang sa amin,” dahilan pa niya. Hindi lang isa o dalawa ang nag-alok sa kaniya na sumabay na. Pero lahat ay tinanggihan niya. Kahit sa simple niyang kasuotan, marami pa rin ang gandang-ganda sa kaniya. Mas mangingibabaw raw kasi ang kagandahan niya kaysa sa kupas niyang kasuotan. Wala naman siyang dalang kahit na ano kung ‘di ang sarili lamang niya kaya magaan lang maglakad. Nakakakalahati na yata siya ng nilalakad papunta sa may labasan nang may makitang sasakyan na nakaparada sa isang gilid ng kalsada, sa may tabi ng isang malaking puno. Mukhang mayroong sira ang lumang sasakyan na inaayos ng isang nakatalikod na lalaki. Matangkad iyon. Kumunot pa ang noo ni Ahtisa dahil para bang pamilyar iyon sa kaniya. Kaya naman nang tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan niyon ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi tingnan kung sino ang lalaking iyon. Napakislot pa siya nang bigla iyong lumingon sa kaniyang akmang paglapit pa sa kinaroroonan nito. Ang lalaking nangungupit kanina ng ubas sa ubasan! Kaya pala parang pamilyar ang tindigan nito sa kaniya. Kumunot pa ang noo ng lalaki nang makita siya. Kapagkuwan ay muling ibinalik ang tingin sa makina ng sasakyan nito. Pero ang mas nakaagaw sa paningin ni Ahtisa ay ang ubas na medyo nakalabas pa sa bulsa ng suot na jacket ng lalaki. “Bakit may ubas ka? Kinupit mo ‘yan sa ubasan?” bigla ay bulalas niya. “‘Di ba, mahigpit na ipinagbabawal na umuwing mayroong dala-dalang ubas? Bakit ikaw, mayroong dala? Hilig mo ba talagang mangupit ng ubas? Kanina lang, nangunguha ka ng walang paalam sa may-ari, tapos kakainin mo na lang doon basta-basta sa ubasan. Hindi yata patas ‘yang ginagawa mo?” Napatingin ang lalaki sa ubas na tinutukoy niya na nasa bulsa ng suot nitong jacket. Walang salitang kinuha nito ang isang tangkay ng ubas at walang sabi-sabing inihagis kay Ahtisa. Awtomatiko naman niya iyong sinalo dahil na rin sa pagkabigla. “Nasa iyo na,” wala pang kangiti-ngiting wika ng lalaki bago nagpatuloy sa ginagawa. Napaawang ang mga labi ni Ahtisa sa sinabing iyon ng lalaki. Palalabasin ba nito na sa kaniya galing ang ubas na iyon? Nilapitan ni Ahtisa ang lalaki at walang paalam na kinuha ang isa nitong kamay at inilagay roon ang ubas. “Ipapasa mo pa talaga sa akin ang pangungupit mo?” asik niya rito. “Ang ingay mo. Kung gusto mo ng ubas, sa iyo na.” Bakas sa guwapong mukha ng lalaki na para bang naiirits na sa kaniya. Hindi rin ito kakikitaan ng takot dahil nahuli niya itong may kinuhang ubas sa ubasan gayong bawal iyon. “Bakit parang balewala lang sa iyo kahit mahuli kang nangupit ng ubas?” clueless niyang tanong rito. Baka naman gawain na talaga nito? O kaya naman ay mayroon itong malakas na backer sa lugar na iyon? “Bakit din ba ang dami mong tanong? Umuwi ka na kung uuwi ka,” pagtataboy pa nito sa kaniya. Pero si Ahtisa, nakatitig lang sa guwapong mukha ng lalaki. Para sa kaniya, ito ang nangunguna sa listahan ng isang TDH o Tall Dark and Handsome. Hindi niya alam, pero sobrang lakas ng dating nito para sa kaniya. Tipong lilingunin mo ulit talaga. Heto nga at napahinto pa siya sa paglalakad nang mapagsino ito kanina. Hindi niya matagpuan ang sarili na iwan kaagad ito sa lugar na iyon. Sukdulang gabihin pa siya sa daan. Bagay na bagay rin dito ang matangos nitong ilong. Ang mala-almond eyes nito. At ang… “Hoy,” untag pa ng lalaki sa natutulalang si Ahtisa. Napakurap-kurap siya. “H-ha?” Naiiling na muling inilagay ng lalaki sa kaniyang kamay ang isang tangkay ng ubas. “Umalis ka na.” Mabilis na inilagay ni Ahtisa sa bulsa ng jacket ng lalaki ang ubas. “Ikaw ang nangupit niyan sa ubasan,” sabi pa niya. Hindi niya pinansin ang pagtataboy nito sa kaniya. “Bakit sa akin mo ibibigay?” Napatingin pa siya sa kalangitan na natitiyak niyang mamaya lang ay kakainin na rin ng kadiliman. Magpapaabot ba talaga siya ng dilim sa daan? “Ano ba’ng sira ng sasakyan mo? Mamaya lang, didilim na ang paligid,” bigla ay tanong niya sa lalaki. “Bakit? Marunong ka bang mag-ayos?” palatak pa nito sa kaniyang tanong. “Bakit ang sungit mo?” “Bakit ang kulit mo?” ganti naman nito sa kaniyang tanong. “Para nagtatanong lang. Sigurado ako palabas ng ubasan ang dadaanan mo. Makikisabay sana ako. Ang layo ng labasan, eh,” bigla ay dahilan niya. Ahtisa, ano ba ang nangyayari sa iyo at hindi mo magawang iwan ang lalaking ‘yan? sita na sa kaniya ng kaniyang isipan. Daig pa niya ang para bang naengkanto dahil heto at siya pa talaga ang unang nag-approach dito. Mukhang magugunaw na ang mundo dahil sa unang pagkakataon ay may lalaki siyang nilapitan. Ewan din ba niya pero hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi ito lapitan at kausapin. Baka nga dahilan na lang niya ang nakitang ubas sa bulsa ng jacket nito kanina. Parang puwede rin itong isama sa listahan ng lalaking puwedeng bumuntis sa kaniya. Tama. Hindi na rin masama. Guwapo ang lalaki at matangkad. Malakas din ang s*x appeal. Kaso lang, mahilig mangupit ng ubas. Baka Magaya pa rito ang magiging anak niya na nangungupit. Napangiwi si Ahtisa sa kaniyang isipan. Muling pumihit ang lalaki at sobrang seryoso ng guwapong mukha nang pagmasdan si Ahtisa. “Style mo bulok din,” malamig nitong wika sa kaniya. “Ha? Ano’ng bulok na style ang sinasabi mo?” inosente na naman niyang tanong sa lalaki. “Paraan mo ba ‘yan para makuha ang atensiyon ko?” kunot pa ang noo nitong tanong. Napaawang ang mga labi ni Ahtisa. Bakit parang ang bilis naman nitong makaamoy ng kaniyang maitim na balak? “H-hoy! Grabe ka naman. Hindi, ah!” mabilis niyang tanggi. Hindi inaalis ng lalaki ang tingin sa mga mata ni Ahtisa. “Puwes, hindi kita type. Kaya umalis ka na,” wala namang gatol nitong wika sa kaniya. Parang sinampal sa unang pagkakataon si Ahtisa dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Siya ang nagsasabi ng ganoon sa lalaki at walang sino man ang nangahas na ipamukha ang ganoon sa kaniya. For goodness’ sake! Siya si Maria Ahtisa Lopez! Literal na nasanggi ng lalaki ang kaniyang ego. Puwes hindi siya papayag na isasampal nito sa kaniya ang ganoong mga salita. Sa inis sa lalaki, nang akmang yuyuko ito sa may makina ng sasakyan nito ay kaagad naman siyang kumilos upang hilahin ang kuwelyo ng suot nitong jacket at walang paalam na hinalikan ito sa labi nito. Halik na para bang sandaling nagpatigil sa kaniyang mundo. Mabilis namang nakabawi si Ahtisa sa kaniyang kapangahasan. “Hindi mo ako type?” sabi pa ni Ahtisa nang ilayo ang kaniyang mukha sa nabiglang lalaki. “Puwes, bangungutin ka sana!” Iyon lang at naglakad na siya palayo sa kinaroroonan nito at hindi na nagpakalingon-lingon pa. Sinamahan pa niya ng bilis ang kaniyang paglalakad. Nang tuluyang makalayo ay saka lang unti-unting nanghina ang mga tuhod ni Ahtisa. Tuluyan siyang napahinto sa paglalakad at nahawakan ang kaniyang mga labing bigla na lang hinalikan ang lalaking para sa kaniya ay isang estranghero. Walang habas niya itong hinalikan kanina dahil na rin sa inis niya. Nakagat niya ang ibabang-labi. Saka lang lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib nang mag-sink-in lalo ang ginawa niyang paghalik sa lalaking iyon. “My God, Ahtisa!” impit niyang wika. “What have you done?!” Kung puwede lang sumigaw sa lugar na iyon ay ginawa na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD