NAGPAPASALAMAT si Ahtisa dahil nakisama ang kaniyang tiyan nang muli silang magbiyahe papunta sa San Roque. Muli siyang nakatulog. Kung bakit antok na antok ang kaniyang pakiramdam nang araw na iyon. Nagising naman siya nang gisingin na siya ni Kieran. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay si Kieran kaagad ang nakita niya. Aangat sana ang kaniyang mga kamay papunta rito, upang abutin ito, nang makiraan naman ang kaniyang pinsan na si Val. Nauna na itong bumaba sa van. Muntik na siyang magpabebe kay Kieran kung hindi lang niya kaagad napansin ang pinsan niya na tumayo buhat sa pagkakaupo niyon sa may likuran niya. Perks of being, kagigising lang. Sa kaniyang isipan ay pinagalitan pa niya ang kaniyang sarili. “Narito na tayo sa hacienda,” inporma pa ni Kieran sa kaniya. Napatingin tuloy si Ah

