NAUNANG bumalik sa venue ng party si Ahtisa matapos niyang mag-retouch at masiguradong walang bakas ng mainit at marubdob na halik na kanilang pinagsaluhan ni Kieran ang maiiwan sa kaniyang mga labi at sa kaniyang mukha. Parang gustong tumabingi ng ngiti sa mga labi ni Ahtisa nang makitang sa may table na rin nila nakaupo si Don Aurelio. Masaya pa rin nitong kakuwentuhan ang kaniyang Lola Alejandra. Tipong long lost friend ang atake ng dalawa na kahit yata abutin ng madaling araw ay hindi magsasawang magpalitan ng kuwento. Kasabay pa ng kaniyang pinsang si Val ang pagdating ni Kieran sa table nila. “Val, apo nga pala ni Don Aurelio, si Kieran Sullivan,” masaya pang pakilala ni Lola Alejandra sa apo nitong si Val kay Kieran. “Kieran, apo ko, si Val Lopez.” Nag-iwas naman ng tingin si Ah

