BLURB

216 Words
Siya si Clarizza Antoinette Dela Rosa. Ang malditang may sungay kung tawagin ng mga kapatid. Dahil totoo namang mainitin ang ulo niya. Pero pusong mamon siya. Kilala siya bilang matinik na abogada dahil wala pa siya hinawakang kaso na hindi niya naipanalo. Dahil nga sa uri ng trabaho niya ay ilang beses ding nalalagay sa panganib ang buhay niya. Ngunit para sa kaniya ay balewala iyon dahil sa kagustuhang makatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong niya. Sa paghihinagpis ng puso niya dahil bigla na lamang naglahong parang usok ang kasintahan niya ay liligawan siya ni Enrico. Ang Espanyol na kaibigan ng Kuya Timothy niya. Magkakaigihan sila at magkakaroon ng relasyon. Bago pa bumalik si Enrico sa Espanya ay nagpakasal sila sa huwes upang may panghahawakan silang mag-asawa sila. Susurpresahin niya ng dalaw ang asawa kasama ng mga biyanan niya ngunit sila ang masusurpresa dahil sa nadatnan nila. Hubo't hubad ito na may katabing babaeng kagaya rin nito na wala kahit anong saplot sa katawan. Sa galit na lumukob sa kaniya ay kinaladkad niya ang Espanyola. Ipinagtulakan palabas ng silid ng asawa. Kahit ang surpresa niya rito na may buhay sa sinapupunan niya ay makakalimutan niya. Isasauli niya sa mga biyanan ang heirloom ring na ibinigay ng abuela nito. Lalayasan niya ito dahil sa galit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD