Kitang-kita ni Jared mula sa pintuan ng kubong kaniyang sinasandalan ang ginawa ni Mari sa mga larawan. Alam niyang iyon ang gagawin nito kaya minabuti niyang palitan ang quality ng mga larawan nila ni Sid. Nasa kaniyang kamay ang mga original copy. At itatago niya iyon para hindi na mahanap pa ni Denise. Ginawa na niya ang alam niyang tama para kay Mari at sa kaniyang kaibigan. Hindi niya p'wedeng pilitin ito na sumunod sa gusto niya. Kailangan sigurong maipakita niya na malinis ang intensyon dito. Bumuga na lamang nang malalim si Jared. Inayos niya ang mga larawan sa bag niya. Hindi pa siya aalis dito sa Isla Paraiso, babantayan muna niya si Mari dahil isa lamang itong biktima ng pag-ibig... ng maling pag-ibig. Ibinaba niya ang gitarang hawak niya at muling naglakad patungo sa kinatat