Chapter sixteen JAO’S POV’S Teka umaga na ba? bakit nasa kama na ako ngayon? Nakatulog ako? Ang dami kong katanungan nagtataka kase ako bakit nasa kama na ako agad ang pagkakatanda ko kase nasa ospital ako at nagbabakuna kami. Umupo ako sa kama para alalahanin ang lahat Oo nga pala may nangyari pala kanina dun kaya ako narito siguro, ano naman kaya yung naiturok sa akin nung pasyente? Mukang pampatulog ata o baka pampakalma? Naalala ko sinalo ko nga pala yung injection na para kay Margo hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa yun nag automatic lang yung katawan ko na harangin yun. Sumakit tuloy ulo ko nakatulog ako ng wala sa oras. Bakit ko nga ba ginawa yun? Dahil lang ba hawig sila nung crush kong kinalaban ko noon sa bar? Tsk hay nako Jao hawig lang sila dahil nakaface mask si M