Chapter four
CONAN’S POV’S
Habang nagbabasa ako ng mga hinaing ng mga customer namin may hindi inaasahang email akong natanggap at ito ay galing sa reyna ng South Empire ngayon na si Justine
Kilala ang Remo Squad na bayarang organisasyon malinis din kaming gumawa ng mga transaksyon sa amin at isa pa wala ni isa sa mga customer namin ang nakakakilala sa myembro ng Remo Squad lalong lalo na sa akin
Hays, natupad na rin ang pangarap ko na magtayo ng ganitong organisasyon kaso nga lang wala si Jin dito miss ko na bebelabs ko
Teka babasahin ko na muna pala tong email sa akin ni Justine
Nagtaka ako sa inuutos niya sa amin kailangan naming bantayan ang anak niyang si Jao Sebastian dahil nanganganib ang buhay nito nakalagay din na hindi nila malaman kung sino ang nagtatangka ng masama sa anak niya sa susunod na tagapagmana ng South Empire
Tsk, yan ba ang anak nila ni Jin? Pinagtatakahan ko rin yang batang yan kung paano nabuo sigurado ba talaga syang anak yan ni Jin?
Ninakaw pa niya si Margo mula kay Eli para magkaroon ng anak bago ikasal tapos ang totoo pinagbubuntis talaga niya ang anak nila ni Jin?
Iba parin ang kutob ko sa anak niyang si Jao alam kong hindi papatulan ni Jin si Justine kahit tumambling pa yan sa harap niya ng nakabikini
Kilalang kilala ko si Jin mas kilala ko pa sya kesa sa sarili ko hahaha
Pero seryoso hindi ganun kadaling bumigay si Jin lalo na sa ayaw niya, matagal na niyang hindi gusto si Justine kaya napaka imposible ng bagay na yan na may mabuong anak sina Justine at Jin
Ang sama ko ba? Hahaha hindi ko kase matanggap ang nangyari kay Eli at Jin lalo na sa anak nilang si Monica aka Margo
Lumaki syang hindi nakilala ang tunay niyang mga magulang buti na lang at napaniwala ko sya sa gawa gawa kong kwento kaya hindi na niya hinanap ang tunay niyang magulang
Pero nakakaawa parin itong batang ito.
Lalo na ang naging sitwasyon nila Eli at Jin, ako pa man din ang number one fan nila hay nako hindi pa naman huli ang lahat.
Nag iisip ako kung tatanggapin ko ba itong offer ni Justine, malaki ang ipinatong niyang pera para lang magawa ang iniuutos niya sa amin
Wala akong pakealam sa perang yan ang iniisip ko ay kung handa ko na bang iharap si Margo sa kanila?
Ilang oras din akong nag isip napakaraming emails ang dumadating maraming myembro ang Remo Squad kaya ang iba kong tauhan ang gumagawa nun
Ang grupo nila Margo lamang ang sikat sa mga Remo Squad kaya sila ang may pinakamahirap na misyon pero may pinakamalaking sweldo sa lahat
Alam ko papatusin ni Margo tong offer na to
Kinakabahan lang ako dahil si Justine at ang anak niya ang makakaharap niya mukang ito na siguro ang tamang pagkakataon para unti unti na nilang makilala ang batang ginawan nila ng kalokohan noon.
Kapag tumatanggap kami ng kliyente ay iniiemail din namin sila at binibigyan ng proweba pero itong kay Justine pangmatagalan kaseng misyon ito kailangan nilang tumira sa South Empire
Hindi ko naman hahayaan na si Margo lang ang pumunta doon ng mag isa, isasama ko rin sina Aries, Luigi, Kimbie at Ginger
Yan lang naman ang mga paborito kong mga anak hahaha
Nagresearch ako tungkol sa South Empire ngayon, anon a kayang nangyayari sa imperyong yun? Lalo na kay Justine simula noong nawala si Jin sa South Empire ay nawalan na ako ng balita doon.
“ Uy sakto to ah”
Kailangan nila ng medical team!
Oh yeah!
Pagkakataon nga naman, agad kong sinend ang resume ng lima kong anak sigurado namang makukuha sila agad agad
Kilala ang mga anak ko sa ospital ko kaya naman tiwalang tiwala ako at kampante na rin na sila ang mapipili bilang medical team ng South Empire.
“ Busy sa misyon?”
“ Oh? Kelan ka pa dumating?”
“ Kanina lang”
Narito na si Tidus galing abroad yan nakipagmeeting sa mga kakilala naming mafia syempre kailangan din namin ng mga bagong kagamitan mukang marami syang dala
Noong itinakas ko si Elis sa Memphis High naging magkasangga na kami ni Tidus unexpected noh? Hahaha pero hindi ko parin ipagpapalit sa puso ko si bebelabs
Tinulungan niya rin si Eli na makatakas hanggang sa nagkagulo na sa Memphis High at tumakas na rin kaming dalawa
Bumuo kami ng maliit na grupo hanggang sa lumaki na nga ito at naging ganito na kakilala, ang astig diba? Syempre ako leader haha
Pero walang nakakakilala sa tunay kong pangalan, iilan lang pala ang nakakakilala na ako si Conan Remo, iniba ko ang pangalan ko maski ang tunay na Monica.
Masaya naman ako sa pagpapanggap bahala sila basta marami pa akong misyon na tatapusin lalo na ang misyon ko kanila Eli at Jin
“ Sino nanaman ba yang kliyente mo?”
“ Si Justine”
“ Justine? Yung reyna ng West Empire?”
“ At South Empire”
“ Ang traydor na yan tutulungan mo? Matapos niyang lokohin si Eli?”
“ Sayang pera eh hahaha” biro ko
“ Gago ka talagang hayop ka muka ka talaga pera”
“ Hahaha namiss ko kase si Justine kaya tinanggap ko na yung offer niya”
“ Hay nako bahala ka dyan kapag si Margo napahamak anong gagawin mo?”
“ Basta”
Alam niya ang tungkol kay Margo, lahat lahat alam niya pero hindi yung kulay ng brief ko ngayon hahaha
Kampante na ako ipapasok ko si Margo sa South Empire sa kanya din naman yun kailangan na ring lumawak ng kanyang nalalaman
Iguiguide ko parin naman sya hindi ko sya papabayaan at ganun din ang iba niyang mga kasama.
Ang misyong ito ay hindi tungkol sa pagprotekta sa anak ni Justine na si Lawrence Jao Sebastian kundi ang misyong ito ay para kay Margo upang maunti unti ng maibalik kung ano ang dapat ay sa kanya.
******
MARGO’S POV’S
Parang wala akong gana ngayon ayoko umalis maninibago talaga ako ayoko ayoko ayoko hays kung pwede ko lang isigaw yan
Mamimiss ko ang kama ko ang mga pasyente ko sa ospital na pinagtrabahuan ko at itong buong lugar na to yung hide out namin
Silang lahat nag iimpake na habang ako nakahiga lang at pinapanuod silang magimpake
May ilang araw pa naman kami dito bago kami lumipat doon kailangan pa namin ayusin ang iba naming pasyente sa ospital na pinagtratrabahuan namin bago kami lumipat sa South Empire medical team
Kami ang nakuha bilang medical team nila
Bakit ganun hindi effective yung dasal ko sabi ko hwag kaming makuha bilang medical team ng South Empire pero nakuha naman kami may nagemail sa akin na nakuha nila ako bilang parte ng medics nila
Kaming lima ang ipapadala doon
Mga alay kaming lima hindi ko alam kung anong sasalubong sa amin doon baka lion o tigre? Baka naman ahad o dinosaur
Uso pa ba dinosaur sa panahon ngayon?
“ Hays ewan!”
Napasigaw ako kaya napatingin silang lahat sa akin “ Anong nangyayari sayo jologs?”
“ Huy Margo nananaginip ka ba ng gising?”
“ Wala to” sagot ko sa kanila
“ Hindi ka pa nag iimpake bahala ka dyan”
Bahala din kayo dyan hindi ako sasama ayoko sumama, kung pwede ko lang sana gawin yan ah basta ayaw ayaw ayaw
Lumabas ako ng kwarto sakto nasalubong ko si Tidus sya ang bestfriend ni cher Conan pero tinatanggi yun ni cher Conan iba daw bestfriend niya haha ang kulit nga nilang dalawa eh
“ Master kelan ka pa umuwi?” yan talaga tawag ko sa kanya dahil napakarami niyang moves na itinuro sa akin simula noong bata pa lamang ako
Pero mas maraming naituro at naitulong ang teacher kong si Conan Remo
“ Kanina lang”
“ pWede ba kitang makausap?”
“ Tungkol saan?”
“ Eh kase” sana naman magawa niya “ Pakiusapan mo naman si cher na hindi na ako sumama sa misyon namin sa susunod na tagapagmana”
“ Bakit ayaw mo?”
“ Hindi kas ako sanay na mapalayo dito ng matagal”
“ Kailangan mong maranasan yun at kailangan mong kumawala sa comfort zone mo”
“ So it means? Hindi mo ko tutulungan?”
“ Let me try”
“ Yehey!” ang lakas ko naman talaga kay master Tidus!
Sana naman mauto niya si cher kase ako? Hindi ko kayang utuhin sic her Conan kahit na may edad na napakaliksi ng utak niya
Lumabas ako sa hide out namin namasyal muna ako bahala sila dyan mag impake ng mga gamit nila gusto kong sulitin dito dahil alam ko kapag nasa South Empire na kami, madalang na lang kaming makagala
Nakapajama ako at tshirt kung saan saan ako napapadpad
Tanda ko naman tong lugar na ito kaya kahit lumayo ako makakauwi parin ako nakarating ako hanggang sa may may food court
Napakaraming kainan dito kapag ganitong oras kaya napahinto ako sa isang foodcourt upang bumili ng paborito kong goto
“ Maam ngayon lang ulit kita nakita”
“ Busy po kase ako manang kaya hindi ako nagagawi dito”
Mamimiss ko ang ganitong gawain ko bahala sila dyan babalik at babalik ako dito kapag wala akong ginagawa kaso nga lang yung misyon namin kailangan naming bantayan yung susunod na tagapagmana ng South Empire?
Lalake pa yun ah hindi ba niya kayang iligtas sarili niya? Napakalampa naman nun tsk, kung hindi lang malaki ang offer magrerebelde talaga ako hahaha
Sayang kase gusto ko pang itayo ang dream house ko dream business at mabayaran ang utang ko kay cher
“ Hey ibalik mo yan!”
“ Babe yung bag ko babe!”
Nakarinig ako ng sumisigaw na babae at mukang nagkakagulo sa kablang foodcourt sinilip ko kung ano yun mukang may nanakawan.
“ Kailangan ko yung phone ko kailangan ko rin yung ibang gamit sa bag ko babe please habulin mo”
“ Papalitan ko na lang lahat yun”
“ Babe sige na please”
Hays nakakarindi naman buti na lang at naka isang subo palang ako sa kinakaen ko, yung boyfriend nung babae mukang tamad at lampa
Kaya naman ako na lang ang hahabol
Tumakbo ako ng mabilis upang mahabol yung magnanakaw na yun, ayoko rin mapalampas ang mga ganung gawain
Hindi inasahan nung magnanakaw na nasa likuran na niya ako kaya ang ginawa ko ay sinipa ko sya sa likuran niya
Napadapa sya sa sobrang lakas ng sipa ko
Nabitiwan din niya yung bag na ninakaw niya at ang ibang tao na nasa malayo at nasa paligid namin ngayon ay pinagkukumpulan kami
“ Ikaw! Ang lakas lakas mo pa magtrabaho ka hindi yung nagnanakaw ka ng hindi sayo lintek ka!”
“ Sorry an po sorry nap o”
Itinali ko ang mga kamay niya upang hindi sya makatakas para maabutan sya ng pulis dito “ Hindi ka disabled kaya pwede kang magtrabaho hindi yung nagnanakaw ka “
“ Opo sorry sorry”
Halatang takot na takot yung nagnakaw nakahawak pa sya sa likuran niya kung saan ko sya nasipa kalalakeng tao napakatamad magtrabaho tsk
Ang alam lang magnakaw ng gamit.
Nagulat ako ng nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko parang pelikula lang to ah bakit nila ako pinapalakpakan
“ Halla yung bag ko salamat po” agad na dinampot nung babae yung mga nasaboy na gamit niya at ang bag niya
Nakakahiya na dumadami na ang tao may mga pulis na rin kaya iniwan ko na sila doon naglakad na ako palayo
Ang focus ng mga tao ngayon ay yung magnanakaw
“ Wait!” may lalaking tumawag sa akin, mukang ito yung jowa nung babae na nikawan ano naman kailangan nito?baka magpapasalamat “ Whats your name?” halatang playboy
Yung jowa niya nandun sa may nagkukumpulang tao habang sya nandito sa akin at kinakausap ako hindi man lang niya alalayan jowa niyang ninakawan
“ Anong kailangan mo?”
“ By the way Im Lork---“
Hindi ko na sya pinansin halata namang mambwibwisit lang sya wala akong pakealam sa pangalan niya wala akong pakealam sa pakay niya
Tumulong lang ako at kailangan ko ng maubos yung kinakaen ko kanina sayangn naman kase yung bayad ko.
Hindi na ako sinundan nung lalake kanina, may girlfriend sya pero nakikipagkilala pa sa akin? Tsk kaya ayoko mag boyfriend eh ganyan kase halos ang mga nakakasalamuha ko mga kaugali ni cher Conan
Tignan mo si cher Conan wala pang asawa dahil paiba iba ng babae napakahilig sa pambababae kaya natrauma ako na baka ang mahanap ko ay kagaya ni cher Conan hahaha I mean playboy.