Chapter one hundred five JAO’S POV’S Naikwento sa akin ni Kino na hiwalay na sina Margo at Lorkan kaya sya naglasing ng ganyan ang pinagtatakahan ko lang bakit sa akin sya nagagalit? Nakakahalata na kaya sya tungkol kay Tres at Margo? Matalino rin si Lorkan hindi sya basta bastang tao kaya siguradong may napapansin syang kakaiba kaya niya ako nasisisi ngayon “ Hayaan na muna natin sya” Nagpahangin na lang muna ako dito sa labas napaisip tuloy ako kung ano nga bang dahilan ni Margo bakit sya nakipaghiwalay kay Lorkan? Kung sabagay hindi rin naman kase alam ni Lorkan kung ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Margo hindi niya alam na sya si Tres Baka dahil din doon kaya niya nagawang makipaghiwalay dahil kapag nalaman ni Lorkan na sya si Tres siguradong wala rin syang magagawa pa