Chapter fifty five JUSTINE’S POV’S Pauwi na muli ako sa South Empire para maibalita kay Jao na kukunin syang guest speaker sa isang eskwelahan Hindi rin ako makatanggi dahil matataas ang posisyon ng mga taong humahawak sa eskwelahang iyon at kailangan ko rin sila kapag nagkagipitan na Habang pauwi kami hindi ko naiwasan na mapatingin sa kasalubong naming kotse hindi ko inasahan ang makikita ko Si Captain ba yun? Kamukhang kamukha kase niya yung nagmamaneho ng kotse pero bakit galing sila ng South Empire? May isa pa syang kasama pero hindi ko namukhaan Kinutuban tuloy ako dahil naaalala ko noong nasa Memphis High pa lang kami palagi silang magkasama ni Jin at hindi sila halos naghihiwalay Hindi ko na pinasundan dahil kailangan ko rin lang bumalik agad sa ibang bansa uuwi na lang uli