Chapter one hundred fourteen JUSTINE’S POV’S Nasa malaking pagpupulong ako ngayon kasama ko ang mga matataas din ang posisyon dito sa imperyo, mga kakampi ko ang karamihan na narito Ang iba namang narito ay ang mga pumapanig parin kay Jin na ayaw sa akin pero wala silang magagawa dahil ang alam nila ay may anak kami at yun ay si Jao Kailangan ko lang gawin ay ang ingatan ang sikreto namin ni Albie at ingatan din ang anak kong si Jao upang manatili pa ako dito sa trono ko at maging hari pa ang anak ko Wala naman na si Jin kaya wala ng magmamana nitong trono Maliban na lang kung magpakita pa ang tunay nilang anak ni Ellie na si Monica, ang Monica kaseng kasama nila ngayon ay kilala bilang anak nila Ellie at Albie at hindi ni Jin Ang kinikilala ngayong anak ni Jin ay tanging si Jao lam