Chapter ninety seven LORKAN’S POV’S Kung saan saan na kami dumadaan pero may mga humaharang sa amin buti na lang may mga tumutulong sa amin upang makaiwas sa mga nang aambush May mga kasama rin kaming matatanda at bata kaya nag aalala kami paano kung pati sila mapahamak lalo na at lilipat lang naman sila ng tirahan ngayon May isang taong tumulong sa amin ang pinagdududahan ko ngayon dahil narinig ko ang sinabi ni Jao kanina Binanggit niya ang pangalan ni Margo Malinaw yun sa pandinig ko pero sa ibang kasama namin hindi nila yun narinig sa sobrang taranta at kaba nila Bakit tinawag ni Jao na Margo yung nakamotor kanina na humarang sa sampung lalake upang makadaan kami Nakakapagtaka lang tapos biglang ang tahimik ngayon ni Jao Gusto ko syang tanungin pero nananahimik na ang lahat ng