INILIBOT ko ang aking mga mata sa paligid ng malawak na kagubatan ng Howling Point at sinigurado na walang sino mang bampira ang makapapasok sa teritoryo ng WhiteFang Pack. Napabaling ako sa aking tagiliran nang makaramdam ako ng presensya. Alam kong si Ash iyon. "You guard like a dog, Hades," anito na naupo sa manipis na bubungan ng light house. "Kailangan para sa kapakanan ni Alira." "Sinabi mo na sa kaniya na siya ang mate mo?" Marahan akong tumango. "Yes." "Are you going to mark her?" I gave him a sharp look. "Wala akong planong markahan siya. Ang gusto ko lang ay maprotektahan si Alira." "Pagkatapos mawawala ka na lang na parang isang bula?" "Ayoko man gawin iyon pero hindi pwede. Nasa katauhan ko ang pagkatao ni Vladimir." "Alam ba niya?" Marahan akong umiling. "Wala pa ak