TILA AKO nanigas sa aking kinatatayuan at hindi makapaniwalang tumitig kay Hades. Tama ba ang narinig ko o ang tamang tanong, sa kaniya ba talaga nagmula ang tanong na iyon? The big question, why he wants to kiss me, for what? Is this one of his joke o nakikiuso lang siya sa frank? "You want me to stay, right? Then allow me to kiss you, Alira," ulit niya. Pakiramdam ko nangangapal ang mukha ko sa sobrang pamumula. Tumayo si Hades at humakbang palapit sa akin. Gusto kong ihakbang ang mga paa ko paatras pero hindi ko magawa, para akong namamagnet sa bawat tingin na binibigay niya sa akin. "Is this one of your joke, Hades? Kung oo, hindi nakakatuwa." Lumamlam ang mga mata nito. "Sana nga biro lang ang lahat ng ito, Alira. Sana talaga hindi totoo." Huminto siya isang dangkal ang layo m